Alex Gonzaga, ibinahagi ang ‘hugot’ sa pagpasok sa vlogging | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alex Gonzaga, ibinahagi ang ‘hugot’ sa pagpasok sa vlogging

ABS-CBN News
Published May 30, 2018 09:37 PM PHT

Sa kaniyang mga vlog o video blog, malayang naipapakita ni Alex Gonzaga ang kaniyang prangka at makulit na pagkatao — bagay na kinagigiliwan ng isang milyong naka-subscribe sa kaniyang YouTube channel.

Pero inamin ni Gonzaga na may malalim na dahilan sa kaniyang pagpasok sa vlogging.

Kuwento niya, naging daan ang vlogging para mahanap niya ang kaniyang sarili, lalo at dati raw ay may mga taong hindi nakauunawa sa kaniyang pagkatao.

"I had to hide my real personality because some people, most people during those times, talagang they didn't like the personality I have," sabi ni Gonzaga sa panayam ng ABS-CBN News.

"I just trusted the process and I became true to myself."

Para sa 30 anyos na aktres at host, matapos mahanap ang sarili, higit pang katuparan ang maging inspirasyon sa kaniyang mga subscriber.

"Gusto ko habang nanunuod sila ng vlog ko makikita nila na, "Ay, may struggle din si Alex pero na-overcome niya,' " aniya.

Hindi rin biro ang prosesong pinagdadaanan ni Gonzaga para mabuo ang kaniyang mga video, dahil bukod sa siya ang bida siya rin daw ang cameraman at editor.

Madalas na mapapanood sa mga vlog ni Gonzaga ang kaniyang pagsabak sa mga nauusong online challenge at mga pasilip sa kaniyang araw-araw na gawain.

Isa lang si Gonzaga sa maraming artistang unti-unti nang nagiging digital stars. Kabilang din dito sina Judy Ann Santos, Bianca Gonzales, Yeng Constantino, Alexa Ilacad, at Andrea Brillantes. -- Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Alex Gonzaga
vlogging
vlog
Judy Ann Santos
Bianca Gonzales
Yeng Constantino
Star Patrol
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT