Jerome Ponce at Sachzna Laparan, isang taon na ang relasyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jerome Ponce at Sachzna Laparan, isang taon na ang relasyon

ABS-CBN News
Published May 13, 2022 12:12 PM PHT

MAYNILA -- Nagdiwang ng kanilang unang taon bilang magkasintahan ang aktor na si Jerome Ponce at vlogger na si Sachzna Laparan.

Base sa kanilang post sa social media, ipinaalam ng dalawa ang tungkol sa kanilang espesyal na araw.

Samantala, nagbahagi rin si Laparan ng mga retrato nila ni Ponce sa kanyang Instagram page.

"Mahal.. #1st," ani Laparan sa caption ng kanyang post.
"Mahal.. #1st," ani Laparan sa caption ng kanyang post.
ADVERTISEMENT
Sa comment section ng kanilang posts ay nagpaabot naman ng pagbati para sa kanilang anibersaryo ang kanilang mga tagahanga.

Noong nakaraang Setyembre sa panayam ng "Inside News" ng Star Magic, inamin ni Ponce na masaya siya sa kanyang buhay pag-ibig.

"Happy, inspired, at napu-push ako lalo to make myself a better person, more knowledge, at mas appreciative sa buhay," ani Ponce noon habang ipinapakita ang clip kung saan magkasama sila ni Laparan.

Ayon pa kay Ponce, masaya siya na makapagbigay din ng inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng vlogs kasama ang kanyang bagong inspirasyon.

Matatandaang Hunyo 2021 nang lumabas ang balitang nag-uugnay kina Ponce at Laparan nang batiin ng huli ang aktor para sa kaarawan nito.

Sa kanyang maiksing pagbati, tinawag pa ng vlogger ang aktor na "my soulmate."

Kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT