Jimuel Pacquiao, Heaven Peralejo inamin na ang relasyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jimuel Pacquiao, Heaven Peralejo inamin na ang relasyon

ABS-CBN News
Published Mar 26, 2019 03:53 PM PHT
|
Updated Mar 26, 2019 10:29 PM PHT

Tinuldukan na nina Jimuel Pacquiao at Heaven Peralejo ang mga haka-haka ukol sa estado ng kanilang relasyon matapos nilang aminin na sila ay nagde-date na.

"Gusto lang po namin maging, like, tapat kasi marami pong nagtatanong," sabi ni Pacquiao, ang panganay na anak ni boxing champ Manny Pacquiao, sa panayam ng ABS-CBN News.

"Ang hirap din po kasing itago," dagdag naman ni Peralejo, na dating teen housemate sa "Pinoy Big Brother: Lucky 7."
"Ang hirap din po kasing itago," dagdag naman ni Peralejo, na dating teen housemate sa "Pinoy Big Brother: Lucky 7."
ADVERTISEMENT
Kuwento ng dalawa, una silang nagkakilala sa isang mall, kung saan nagpa-picture si Pacquiao sa teen actress.

Naulit ang pagkikita nila sa nasabing mall at doon na nagsimula ang pagligaw ni Pacquiao.

"Two years ago, nasa Greenbelt lang kami ni mom tapos biglang he saw us, 'yong family niya, 'yong mga pinsan niya tapos nagpa-picture sila," kuwento ni Peralejo.

"Tapos one year later parang nag-meet ulit kami, same place tapos coincidence, same month," ani Pacquiao.

Ayon pa kina Pacquiao at Peralejo, na parehong 19 anyos, marami silang pagkakatulad.
Ayon pa kina Pacquiao at Peralejo, na parehong 19 anyos, marami silang pagkakatulad.
ADVERTISEMENT
"Parang ka-vibes kami, marami kaming things in common like pagdating sa food, roller coasters," ani Pacquiao.

"Adventurous kaming dalawa," ani Peralejo.

Ayon kay Pacquiao, suportado niya ang paga-artista ni Peralejo. Suportado din naman ni Peralejo ang pangarap ni Pacquiao na sumabak sa boxing.

-- May ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT