'PBB': Ex-MNL48 member Gabb Skribikin emosyonal sa pagbabahagi ng buhay ng magulang | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'PBB': Ex-MNL48 member Gabb Skribikin emosyonal sa pagbabahagi ng buhay ng magulang

ABS-CBN News
Published Mar 22, 2022 08:35 PM PHT

MAYNILA — Emosyonal ang dating MNL48 member na si Gabb Skribikin sa pagbabahagi ng kwento ng kanyang mga magulang sa "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" nitong Martes.

Sa isang '90s themed school set-up, nagbahagi ang mga teen housemates hinggil sa buhay ng kanilang mga magulang na nakalagay ang larawan sa kanilang mga notebook.

Kwento ni Skribikin, takot siya na mawala ang kanyang mga magulang kaya nagsisikap siyang magtrabaho para mabili ang kanilang maintenance medicine.

"To be honest, natatakot talaga akong mawala sila sa akin kasi I feel like I’m not a great daughter sa kanila tapos ngayon si Mama may maintainance na rin," ani Skribikin.

"Kaya talagang sobrang hirap, talagang maghanap ng paraan kung paano kumita. Natutuwa ako kasi strong sila pareho," dagdag pa niya.

Naiyak si Skribikin habang nagkukwento kaya naman nilapitan siya ng kapwa housemates para pagaanin ang kanyang loob.

Hiling ng dating MNL48 member na makasama pa ang mga magulang kapag siya ay ikakasal.

"Wish ko lang talaga kapag ikakasal ako kasama ko parents ko pareho," aniya.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT