Teddy Corpuz, bida na sa pelikula | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Teddy Corpuz, bida na sa pelikula

Teddy Corpuz, bida na sa pelikula

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Ito na ang hinihintay na break ni Teddy Corpuz bilang isang komedyante, ang mabigyan ng solo movie, ang "Papa Pogi" na siya ang bida.

Hanggang sa media conference para sa pelikula, hindi makapaniwala si Teddy na bida na siya.

At malaking tulong ang impluwensya ng kaibigan at katrabaho sa "It's Showtime" na si Vhong Navarro.

Pakiusap ni Teddy na huwag sila intrigahin ni Vhong dahil magkaiba ang paraan nila sa comedy.

ADVERTISEMENT

"Sobrang idol ko po si Vhong eh. Para sa akin hindi po ako competition, siguro ibang flavor lang din," ani Teddy.

Mula isang rakista, sa comedy papunta ang career ni Teddy na 'di niya inaasahan.

"Sobrang idol ko po talaga si Vhong Navarro kahit noon noon pa sinasabi ko sa kanya 'yun. Hindi ako makapaniwala na si Teddy Corpuz, isang rakista na galing sa Lagro, na hindi naman kami mga pamilya ng artista eh," ani Teddy.

At hindi pa man naipapalabas ang "Papa Pogi," may kasunod na kaagad na haharapin si Teddy.

"'Yung Regal may promise sila sa akin na dalawa ang pelikula ko. So ito ang first. Alam ko may isa pa ako pelikula," ani Teddy.

Ipapalabas ang "Papa Pogi" sa Marso 20.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.