KZ Tandingan, hindi makapaniwala nang piliin para kumanta ng Disney song na 'Gabay' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KZ Tandingan, hindi makapaniwala nang piliin para kumanta ng Disney song na 'Gabay'

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 05, 2021 12:56 AM PHT

Clipboard

MANILA -- Katuparan ng pangarap para kay KZ Tandingan ang mapili bilang pinakaunang mang-aawit na magbibigay boses sa kauna-unahang Filipino song ng Disney.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni Tandingan ang kuwento sa pagkakapili sa kanya ng Disney Philippines para awitin ang "Gabay" na tampok sa bagong epic adventure film na "Raya and The Last Dragon."

"Parang lahat naman yata tayo lumaki o tumanda na nanonood talaga ng Disney movies. Lalo na sa little girls at little boys. Parang lahat tayo nangangarap sana someday ay puwede akong maging princess ganito or prince charming ganito," ani Tandingan, bilang tugon kung pinangarap ba niya ang makakanta ng isang Disney song.

Pag-amin ni Tandingan na isang tagahanga ng Disney character na si Mulan, noong una ay hindi siya makapaniwala na siya ang napili para awitin ang "Gabay."

"They said they wanted me to do it. Noong una nga medyo 'totoo po ba? Baka nagkamali lang po ng send ng message.' Kasi hindi ba parang I don't sound like the singers who are often chosen. Last year nangyari 'yung coordination and everything. 'Yun nga 'di ako makapaniwala, hindi ako 'yung usual type of artist na i-expect mo na kakanta," ani Tandingan.

ADVERTISEMENT

Ngayong Biyernes, Marso 5, ay ilalabas na sa Spotify at iba pang digital streaming platform ang "Gabay."

"Sana po suportahan niyo po kasi this is history. We are making history as Filipinos na mayroon na tayong sariling Disney song. Sana po ay suportahan nating lahat," ani Tandingan.

Narito ang "Magandang Buhay" tampok ang pagbisita ni Tandingan Tandingan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Related videos:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.