‘Dito at Doon’ paalala sa pinagdaanan ng mga tao sa pandemya, ayon kay Janine Gutierrez | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Dito at Doon’ paalala sa pinagdaanan ng mga tao sa pandemya, ayon kay Janine Gutierrez

‘Dito at Doon’ paalala sa pinagdaanan ng mga tao sa pandemya, ayon kay Janine Gutierrez

ABS-CBN News

Clipboard

Screenshot mula sa trailer ng "Dito at Doon".

Bukod sa inaasahang love story sa pagitan ng karakter nina Janine Gutierrez at JC Santos, tatalakayin ng pelikulang “Dito at Doon” ang mga pinagdaanan ng publiko noong 2020 dahil sa pandemya, ayon sa aktres.

Kuwento ni Gutierrez, magiging paalala sa mga susunod na taon ang kanilang pelikula kung ano ang nangyari sa 2020.

Inihalintulad pa ng 31-anyos na aktres sa isang time capsule ang istorya ng kanilang pelikula na mapapanood na sa Marso 17.

“What I like about ‘Dito at Doon’ is that it’s kind of like a time capsule. Parang nu’ng nabasa ko ’yung script nito last year, mga October, naka-relate ako sa mga pinagdaanan ng mga karakter during ECQ, GCQ, and di mo na malaman kung anong Q,” saad ng Gawad Urian Best Actress winner.

ADVERTISEMENT

“I feel like ’yung ambag nito sa lahat ng pelikulang nagawa namin is it will serve as a reminder kung ano ba ’yung mga pinagdaanan natin nu’ng 2020,” dagdag pa nito sa media conference ng kanilang pelikula.

Umaasa ang bagong Kapamilya na magbibigay rin ang kanilang palabas ni Santos ng pag-asa sa mga patuloy na nalulungkot dahil sa mga naging epekto ng COVID-19.

“It gives comfort din sa lahat ng nalungkot or na-lonely nu’ng mga panahon na ’yun. Sana magbigay din siya ng pag-asa na malalampasan at malalampasan. At di ka nag-iisa,” tugon ng aktres.

Sa unang pagkakataon, magtatambal sa big screen sina Gutierrez at Santos sa isang pelikula na iikot sa pagmamahalang nabuo kahit video call at chat lamang ang gamit sa pakikipagkomunikasyon.

Base rin sa opisyal na trailer ng palabas, mapag-uusapan ng mga karakter ang isyu sa pagbabahagi ng saloobin at opinyon sa social media.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.