Yamyam Gucong, mananatiling 'PBB Otso' housemate | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Yamyam Gucong, mananatiling 'PBB Otso' housemate

ABS-CBN News
Published Feb 27, 2019 12:24 PM PHT

MANILA -- Matapos matalo sa hamon na ibinigay ni Big Brother para makilala ang "apat na karapat-dapat," mananatili pa rin bilang official housemate si Yamyam Gucong.

Nitong Martes, bumuhos ang luha ni Yamyam nang marinig mula kay Big Brother ang kanyang kapalaran matapos niyang matalo sa "duel challenge" sa kapwa housemate na si Mark Obera.

Taliwas sa paniniwalang agad siyang lalabas ng bahay, ipinahayag ni Big Brother na magiging parte lamang si Yamyam ng magiging listahan ng mga nominado na maaaring ma-evict.

"Bagamat ikaw ay hindi nagtagumpay sa inyong duel challenge ay hindi ka pa evicted sa aking bahay. Ang mga nangyari ay bahagi lamang ng pagsubok ko sa inyo. Hindi pa tapos ang laban mo, Yamyam. Yamyam, sa puntong ito ay gusto kong sabihin sa iyo na ikaw pa rin ay isang official housemate ng bahay ko," ani Big Brother.
Paglilinaw ng host ng "PBB Otso" na si Toni Gonzaga, ang naganap na hamon kung saan natalo si Yamyam "ay isang malaking pagsubok lamang para sukatin ang tapang at tibay ng loob ng bawat housemate para ilaban ang kanilang mga pangarap."

ADVERTISEMENT
"Dahil ilang linggo na lang ang nalalabi para sa kanila, mas matitinding pagsubok na ang inihanda ni Kuya para mas makilatis ng taumbayan kung sino nga ba ang may tunay na karakter at puso ng isang batch winner," aniya.