Heart Evangelista, kumasa sa sari-sari store shopping challenge | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Heart Evangelista, kumasa sa sari-sari store shopping challenge

ABS-CBN News
Published Feb 25, 2022 06:04 PM PHT

Muling kinagiliwan ng maraming netizens si Heart Evangelista matapos itong sumabak sa sari-sari store shopping challenge.

Game na game na bumili sa isang tindahan si Evangelista ng conditioner, tsitsirya, at biskwit. Inilibre din ng aktres ang ilang mga nakasabay na bumili katulad ng chocolate drink at maging sigarilyo.

Naaliw ang mga netizen na ikinagulat ang pagbili ni Evangelista sa sari-sari store lalo pa’t kilala ito sa marangyang pamumuhay.

“Na-culture shock ako nung bumili si [Heart] sa sari-sari store. Feeling ko LV (Louis Vuitton) binebenta ng tinadahan,” biro ng isang netizen.

“Yung bibili ka lang ng suka tapos biglang nakasabay mo si Heart sa sari-sari store,” dagdag pa ng isang fan.

Natuwa rin sila dahil nanlibre pa ang aktres kahit hindi nito alam ang ilan sa mga binibili ng mga nakasabay.

“Pati mga bumibili tinanong niya, 'Ano bibilhin mo? Sige, libre na kita.' Ang cute, napaka-casual. Ms. Heart lang sakalam!" saad sa isang komento.

Masaya naman si Evangelista sa kaniyang ginawa na nagpaalala sa kaniyang kabataan kasama ang mga kapatid.

“Challenge accepted! Sari-sari store shopping! Ang saya-saya! Brings back my childhood memories," aniya.