Shopping galore: Vice Ganda sinorpresa ang anak-anakan na si Gigil Kid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Shopping galore: Vice Ganda sinorpresa ang anak-anakan na si Gigil Kid

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 23, 2023 07:57 AM PHT

Clipboard

Muli nagkita sina Vice Ganda at Carlo Mendoza. Vice Ganda YouTube channel
Muli nagkita sina Vice Ganda at Carlo Mendoza. Vice Ganda YouTube channel

MAYNILA – Matagal mang hindi nagkita, hindi naman nawala ang koneksyon at pagmamahal sa isa’t isa nina Vice Ganda at ang anak-anakan nitong si Carlo Mendoza na binansagang “Gigil Kid” noon.

Sa inilabas na vlog ni Vice, muling nagkrus ang landas nilang dalawa para sa isang reunion date ng mag-ina.

Sa simula ay hindi pa alam ni Mendoza kung sino ang makaka-date nito. Ngunit labis ang tuwa ng dating viral kid nang makita ang kaniyang Meme Vice muli.

Mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa “It’s Showtime!” host na siya ring nagpaaral sa kaniya noon.

ADVERTISEMENT

Kagaya ng inaasahan napuno ng kulitan at asaran ang pagkikita ng komedyante at ngayo’y 11 taong gulang na bata na nasa ilalim ng talent agency na Star Image.

Habang kumakain, inilabas din ni Vice ang isang scrapbook na may laman ng kanilang mga larawan noong nagkakasama pa sila sa ilang mga palabas noon.

Malaki ang pasasalamat ni Mendoza dahil sa tulong ni Vice kaniya at sa pagturing sa kaniya bilang parang tunay na anak nito noon pa man.

“Gusto ko po sabihin sa inyo na mahal na mahal po kita kasi tinulungan nyo po ako nung bata po ako. Tinuturing nyo kong parang isang anak. Sana kahit hindi tayo nagkikita madalas, sana lagi nyo po tandaan na maraming tong sumusuporta sa inyo. At sana ipagpatuloy nyo ang pagpapatawa sa mga tao kasi dahil nandito lang po ako sa likod nyo, kami na parang tinuring nyong anak,” mensahe ng bata sa host.

Para naman kay Vice, malaki rin ang bahagi ni Mendoza sa kaniyang buhay lalo pa’t ito ang unang nakakita kay Ion Perez sa mga nanonood sa “Gandang Gabi Vice.”

ADVERTISEMENT

Matapos kumain, inaya na rin ni Vice si Mendoza na mamili ng maraming damit sa isang kilalang fashion brand at mga sapatos sa sikat na sports store.

Kilala bilang "Gigil Kid," nagsimulang makilala si Mendoza noong siya ay limang taong gulang pa lamang dahil sa viral nitong video na nagtatanggol sa kanyang kapatid.

Matapos ang kanyang viral video, nagsimulang magbukas ang pintuan ng showbiz para sa kaniya. Maliban sa TV shows, naging parte rin ito ng pelikula na pinagbibidahan ni Vice.

Naging isa rin si Mendoza sa mga hurado ng talent show na "The Kids' Choice.”

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.