Kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo, sumabak sa aksiyon sa 'Batang Quiapo' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo, sumabak sa aksiyon sa 'Batang Quiapo'

Kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo, sumabak sa aksiyon sa 'Batang Quiapo'

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Hindi nagpahuli sa kanyang action scenes sa "FPJ's Batang Quiapo" si Ronwaldo Martin, ang kapatid ng bidang aktor ng serye na si Coco Martin.

Sa pinakabagong programa, ginagampanan ni Ronwaldo ang karakter ni Santino, ang pinakabatang kapatid ng bidang karakter na si Tanggol (Martin).

Nito ngang Miyerkoles, nauwi sa rambulan ang naging pagsali ni Santino sa boksing sa kanilang barangay matapos itong dayain ng kalaban.

Nasabit sa kaguluhan si Tanggol matapos nitong tulungan ang bunsong kapatid.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Matatandaang noong 2017 unang nagkasama sa primtime TV sina Coco at Ronwaldo nang maging parte ang huli sa pitong-taong serye ni Coco na "FPJ's Ang Probinsyano."

Tulad ni Coco, hindi rin pahuhuli sa pag-arte si Ronwaldo na nagwagi bilang Best Actor sa Harlem International Film Festival sa New York noong 2017 para sa kanyang pagganap sa "Pamilya Ordinaryo."

Sa nakaraang video na inilabas ng show producer na Dreamscape Entertainment, ibinahagi ni Ronwaldo ang saya na maging parte ng "Batang Quiapo" at makasama sa trabaho ang kanyang kapatid na inilarawan niya bilang kanyang idolo.

"Masaya po ako sa role ko kasi talaga namang idol ko rin po ang kuya ko," ani Ronwaldo.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

Kaugnay na mga video:

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.