Coco Martin nagpasaya ng mga lolo't lola | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin nagpasaya ng mga lolo't lola

Coco Martin nagpasaya ng mga lolo't lola

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Bilang pasasalamat sa blessings na natatanggap sa kanyang career, binista ng bida ng "Ang Probinsyano" na si Coco Martin ang Grace's Home for the Aged para makapagbigay saya sa mga lolo at lola na nasa pangangalaga ng institusyon.

Kahit dikit ang schedule sa kanyan top-rating na teleserye ay nagbigay oras si Coco para dito.

"Nakakatuwa kasi nagdidire-diretso talaga 'yung pagtulong namin mula sa lahat ng mga kasama namin sa 'FPJ's Ang Probinsyano.' Hangarin namin na makatulong sa ating mga kababayan, sa ating kapwa Filipino, ngayon naman ang ating mga lolo't lola para makapagbigay kahit paano ng kaunting tulong. Sana marami pa tayong mga kababayan na matulungan," ni Coco.

Masaya din siya dahil nakapagbigay siya ng kaunting tulong at saya sa mga nakatatanda na gabi-gabing nakatutok at gabi-gabing nanonood ng kanyang programa.

ADVERTISEMENT

"Masaya sila kasi nakita nila ako, isa sila sa pinakamalapit sa puso ko dahil lumaki ako sa lola ko at saka sa lolo ko. Ilang beses na akong nagtangka na magpunta dito para magpasalamat at makita sila personally. Ngayon, nabigyan ako ng oras. Ang sarap sa pakiramdam na nakatulong," ayon sa aktor.

Malapit sa puso ni Coco ang nakatatanda dahil laki siya sa kanyang lola na umaruga sa kanyang paglaki.

"Actually, kung nasaan man ako ngayon ay ang lola ko ang naghubog sa akin. Kaya sabi ko parang kapag nakakakita ako ng lola at lolo ay nahahabag talaga ako. Kung napapansin ninyo sa soap ko, ang leading lady ko ay ang lola ko. Siguro kung 'di din ako napalaki ng maayos ng lola ko at 'di din ang lola ko ang nagpalaki sa akin ay hindi din ako magiging ganito," ani Coco.

Pagbabahagi pa ni Coco, nais niyang makapagbigay tulong din sa mga inmates at nasalanta ng bagyo sa malalayong probinsya.

"Honestly, mga inmates gusto ko ding bisitahin ;yung mga nakulong na 'di na nadadalaw ng pamilya nila at ibang kababayan sa probinsya na hindi na napupuntahan lalo na 'yung mga nasalanta ng bagyo," ani Coco.

Iniimbitihan din ni Coco ang kanyang fans na tumutok sa "FPJ's Ang Probinsyano" gabi-gabi para sa mga pasabog na eksena na aabangan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.