‘Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana’: Ang kuwento sa likod ng kantang ‘Imahe’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana’: Ang kuwento sa likod ng kantang ‘Imahe’

ABS-CBN News
Published Feb 10, 2020 03:09 PM PHT
|
Updated Feb 10, 2020 03:53 PM PHT

Marami ang nakaka-relate sa kantang “Imahe” ng sumisikat na bandang Magnus Haven, lalo sa mga linya na tumutukoy sa mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana para sa isa’t isa.

Bagaman 2018 pa nilabas ng banda ang kanta, ngayong 2020 lang ito naging hit matapos kantahin ng banda sa isang event sa Batangas State University.

Umabot na sa 28 milyon ang views ng lyric video ng kanta sa YouTube at nangunguna rin ito sa mga music streaming platform.

“Unang goal namin nung ni-record siya, sabi naming, ang goal naming marinig lang ‘to ng mga tao. Pero ngayon, ‘di naming inaasahang kinakanta na siya [ng iba],” sabi ng lead guitarist ng banda na si Louise Vaflor sa programang “Rated K.”

Ikinuwento ng bassist na grupo na si Rey Maestro na hango ang kanta sa kaniyang long-distance relationship, na tumagal nang 2 taon.

“Nasa Kuwait siya, ako naman nasa Pilipinas. Niligawan ko siya habang nandoon siya sa ibang bansa,” kuwento ni Maestro.

Mismong si Maestro raw ang nakipaghiwalay sa nobya nang maramdamang nahihirapan na silang dalawa sa relasyon.

“Kailangan kong i-let go para sa ikakasaya niya kasi feeling ko hindi na siya nagiging masaya sa akin, kasi hindi ko na nabibigay lahat ng gusto kong ibigay,” paliwanag niya.

Bukod kina Vaflor at Maestro, bahagi rin ng Magnus Haven sina Rajih Mendoza bilang lead vocalist, David Galang bilang keyboardist at vocalist, at Sean Espejo bilang drummer.