Carlos Agassi sumagot sa kumalat na private messages | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Carlos Agassi sumagot sa kumalat na private messages

ABS-CBN News
Published Feb 05, 2018 05:16 PM PHT
|
Updated Aug 23, 2018 08:32 AM PHT

Sumagot na ang dating aktor na si Carlos Agassi ukol sa kumalat na private messages niya umano sa iba't ibang babae.

Sa isang mahabang Instagram post kalakip ng kaniyang larawan, sinabi ni Agassi na "embarrassed" o nahihiya siya dahil naaapektuhan ang mga taong pinahahalagahan niya.

Aniya, karamihan naman daw sa mga kumalat na screen shot ng mga personal niyang mensahe ay sa mga "masahista" at aktor sa set nila.

Saad ng post ni Agassi: "... funny thing half of the pics are Masahista and actors sa set namin 🙈not even the person I’m seeing or meeting :)"

Pero sinabi niya ring natutuhan niya ang kaniyang leksiyon dahil may mga sisira umano ng reputasyon para lang sumikat.

"... be really careful cuz some people won’t think twice to hurt your feelings or ruin your reputation just to be famous or make themselves look like a babe," saad ng Instagram post ni Agassi.

Nitong weekend, kumalat sa Facebook ang screen shot ng iba't ibang babaeng pinadalhan umano ng direktang mensahe ni Agassi.

Madalas nag-iimbitang makipagkita ang mga mensaheng ipinadala.

Karamiha'y gamit ang pangalang "Amir Carlos Agassi."
Karamiha'y gamit ang pangalang "Amir Carlos Agassi."
ADVERTISEMENT
Sa isang screen shot ng Viber message na ipinadala ng isang abogada, ibinahagi niya sa ABS-CBN News na nakatanggap din siya ng mensahe noong Abril mula sa taong gamit ang parehong pangalan at nag-aayang makipagkita.

Walang indibidwal na kumpirmasyon si Agassi sa lahat ng mga mensahe.

Pero aniya, mukhang mali palang manghingi ng numero ng babae at ayain siyang lumabas.

"... if you are a single man pls learn from my mistake :) if asking a single girls cell number or asking her out on a date is wrong. I should just probably wait for the right one."

Tingin niya rin, pinagtutulungan lang siya ng mga gustong sumira sa kaniya.
Tingin niya rin, pinagtutulungan lang siya ng mga gustong sumira sa kaniya.
ADVERTISEMENT
Ipagdadasal niya na lang daw sila.
Ipagdadasal niya na lang daw sila.
Humingi rin ng tawad si Agassi dahil di niya raw akalaing mali palang makipag-usap sa mga single na babae.

"... sorry ulit sa mga nasaktan, Di ko po naisip na may mga gagawa ng ganito as akin at Mali makipag usap sa single na babae."