Ticket sales ng MMFF 2022, tumaas: CEAP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ticket sales ng MMFF 2022, tumaas: CEAP

Ticket sales ng MMFF 2022, tumaas: CEAP

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

Clipboard

Vice Ganda and Ion Perez pose with the crowd for a mall show in Pampanga last December 26, 2022. Photo from MJ Felipe, ABS-CBN News.
Vice Ganda and Ion Perez pose with the crowd for a mall show in Pampanga last December 26, 2022. Photo from MJ Felipe, ABS-CBN News.

MAYNILA -- Muling tumaas ang ticket sales ng sinasabing apat na pinakamalakas na pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Linggo, Bagong Taon, ayon sa mga insiders sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Kabilang dito ang horror na “Deleter” ni Nadine Lustre; ang comedy na “Partners in Crime” nina Vice Ganda at Ivana Alawi; ang star-studded drama na “Family Matters”; at ang romance comedy na “Labyu with an Accent” nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Tinatayang P340 million na umano ang box-office gross ng 8 entries batay sa closing sales ng mahigit 600 sinehan nationwide nitong Linggo ng gabi.

Gayunman, tumangging magbigay ng official sales at box-office ranking ang pamunuan ng MMFF bilang respeto sa mga producer.

Umaasa rin ang film fest organizer na patuloy na susuportahan ng publiko ang apat pang entries na “Nanahimik ang Gabi,” “My Teacher,” “My Father Myself,” at “Mamasapano” hanggang sa huling araw ng pagpapalabas ng MMFF movies sa Enero 7.

Ayon kay MMDA chair Romando Artes na concurrent head din ng MMFF, tiwala sila na maaabot nila ang target para maibangon ang film fest pagkatapos ng dalawang taon.

“The MMFF is a certified hot … It’s safe to say na maaabot natin 'yung P500 million na projection natin for this year.”

ADVERTISEMENT

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.