Mga baka na-stranded sa mga bubong sa South Korea dahil sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga baka na-stranded sa mga bubong sa South Korea dahil sa baha

ABS-CBN News
Published Aug 12, 2020 11:26 AM PHT

Na-stranded ang dose-dosenang mga baka sa mga bubungan ng mga taga-South Korea ngayong nakakaranas ng matinding baha ang naturang bansa.

Bagay ito na nagbigay ng problema sa mga rescue crew na sasagip nito lalo’t may mga malalaki umanong mga baka na kasama sa mga na-stranded.

Nagpalutang-lutang ang mga baka nang bahain ang farming town na Gurye, nitong katapusan ng linggo.

Sa taas ng baha, kusa umanong nag-akyatan sa mga bubong ng mga bahay at gusali ang mga baka.
Sa taas ng baha, kusa umanong nag-akyatan sa mga bubong ng mga bahay at gusali ang mga baka.
ADVERTISEMENT
Nang humupa ang delubyo, na-stranded ang mga baka sa bubong nang walang pamamaraan para makababa.

Nakuhanan pa ng isang retrato ang nasa 9 baka na mukhang tuliro habang nakapirmi sa isang bubong.

"The cows were swimming as the water level surged and made their way up onto the roof and stayed there even after the floodwaters subsided," kuwento ng isang residente sa television channel na JTBC.

Agad na nagpadala ng crane ang mga rescuer para ibaba ang mga baka isa-isa.

At nang makauwi ang ilang baka, may ilan umano rito na nagpapakita na ng sintomas ng pulmonya, ayon sa isang volunteer na beterinaryo.

Ilang linggo nang tinatamaan ng malakas na ulan ang South Korea na nagdulot ng matinding pagbaha. Aabot na sa 31 ang namatay dulot nito simula Agosto.

— Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT