Presyo ng luya sa ilang tindahan sa Obrero Public Market sa Maynila, nananatiling mataas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng luya sa ilang tindahan sa Obrero Public Market sa Maynila, nananatiling mataas

Presyo ng luya sa ilang tindahan sa Obrero Public Market sa Maynila, nananatiling mataas

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Mga ibinebentang luya sa Maynila, kuha noon Oktubre 12, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA – Nananatiling mataas ang presyo ng luya sa ilang tindahan sa Obrero Public Market sa Maynila nitong Miyerkules. 

Walang magawa si Rosalie Kahilig kundi taasan ang presyo ng kanyang tindang luya kahit pa patingi-tingi na lang ang benta niya sa kanyang mga kustomer para mabawi ang puhunan. Nasa P280 hanggang P300 per kilo ang bentahan niya ng luya sa ngayon. 

Sabi ni Kahilig, hindi rin niya maipaliwanag sa kustomer kung bakit medyo mataas pa rin ang presyo ng luyang binebenta niya kahit pa maliit na lang ito. 

“Pagka halimbawa bibili ng luya, sabihin natin P20. Kapag binigyan mo ng maliit lang magrereklamo. Magrereklamo sila bakit ganoon daw eh ang sabi namin… mahal ngayon ang luya eh. Ang bentahan ngayon bente maliit,” sabi niya. 

ADVERTISEMENT

“Yung iba naman alam nila. Naiintidihan naman [ng iba]. Kapag mababa, mababa naman talaga,” dagdag ng tindera. 

Kahit pa nananatiling mataas ang presyo ng luya, mababa na ang P250 hanggang P300 kada kilo, sabi ng isa pang tindera na si Rosita Celestino, kumpara sa presyo nito noong mga nakaraang linggo. Pero dahil sa sitwasyon, kakaunti na lang muna ang kanyang binibili na luya. 

“Kapag ang tao bumili kapiraso lang. Hindi na kaya eh,” sabi ni Celestino. 

“Ang gulay up and down. Sunod sa dating… talagang malaki ang epekto kasi kung minsan hindi ka makakuha ng marami. Kaya ang kikitain mo kaunti lang dahil hindi kaya ng tao bilhin,” dagdag niya. 

Nalungkot ang kustomer na si Noemi Peralta sa presyo ng luya at ibang presyo ng bilihin ngayon. 

ADVERTISEMENT

Naabutan pa ng news team si Peralta na nakabili ng P45 na halaga luya, na aniya’y pang-isang araw lamang lalo na’t dinidikdik niya ito para pakuluan at inumin at para sa kanyang pagkain. 

“Dati ang mura di ba. Bumibili ako P10. Ngayon hindi puwede (tumaas na) ng P45. Nagugulay ako kasi siyempre senior. Pipilitin mo,” sabi niya. 

“Para ito (luya) sa pinakbet. Paksiw. Siyempre kapag senior ka na, ganyan ang pagkain. Kailangan kasi ang luya,” dagdag niya. 




Apektado na rin aniya ang kanyang budget dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang gulay, kaya minsan ay kinakailangan magsakripisyo sa mga kasangkapan ng kanilang pagkain. 

Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture nitong Hunyo na mataas ang presyo ng luya dahil sa seasonal na produksyon nito at kaunting suplay. 

ADVERTISEMENT

Kadalasan anila’y nasa buwan ng Marso ang itinuturing na harvest season ng mga luya. 

Dagdag ng DA, kung walang problema sa suplay ng luya nasa P100 hanggang P120 ang presyo kada kilo.

Samantala, narito ang presyo ng gulay sa Obrero Public Market as of 5 a.m. nitong Miyerkules. 

• Carrots - P110/kilo (tumaas ng P10 mula P100/kilo nitong Martes)

• Talong - P90/kilo (bumaba ng P10 mula P100/kilo nitong Martes)

ADVERTISEMENT

• Ampalaya - P150/kilo 

• Kamatis - P120/kilo (tumaas mula P70-P80/kilo noong isang linggo)

• Broccoli - P240/kilo 

• Pechay Baguio - P100/kilo (bumaba mula P120/kilo noong isang linggo)

• Bawang -  P160/kilo 

ADVERTISEMENT

• Sibuyas - P130/kilo 

• Baguio Beans -  P180/kilo  

• Sayote - P70/kilo (bumaba ng P10 mula P80 noong isang linggo)

• Patatas - P140/kilo

• Repolyo - P90/kilo (bumaba ng P10 mula P100 noong isang linggo )

ADVERTISEMENT

• Bell pepper - P280/kilo (bumaba ng P20 mula P300 noong isang linggo)

• Luya - P280 - P300/kilo 

• Sili labuyo - P280/kilo (tumaas mula P200-P220 noong isang linggo)

• Puting sibuyas - P100/kilo 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.