Presyo ng sibuyas umaabot pa rin ng P650, higit doble ng SRP | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng sibuyas umaabot pa rin ng P650, higit doble ng SRP

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Dec 30, 2022 02:26 PM PHT

MAYNILA — Wala pang mabibiling P250 per kilo na pulang sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila ngayong Biyernes sa kabila ng pagpataw ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price.

Sa Administrative Circular Number 12 na inilabas ng DA, itinakda ang SRP na P250 sa kada kilo ng pulang sibuyas na may katamtamang laki.

Pero ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, mga lumang stock pa ng sibuyas ang mabibili ngayon sa mga palengke at mas mataas sa SRP ang puhunan base sa monitoring ng ahensya.

“Kinausap natin ang market masters dahil nga wala pong makasunod sa P250 peso per kilo today dahil ‘yong stocks po nila binili sa mas mataas na halaga but we are linking para po ang ating farmer cooperatives can also supply," sabi ni Evangelista.

"Ina-identify po ngayon ng mga market masters kung anong mga retailers ang willing to buy. One part is getting the supply. The next part is having a retailer say yes. Ang mga retailer minsan may mga utang sa kanilang supplier kaya hindi po ganoon kadali ka kanila mag-shift ng supplier," dagdag niya.

Sa Kamuning Market, naglalaro sa P600 hanggang P650 ang kada kilo ng pulang sibuyas.

Ayon sa nagtitindang si Rey Garcia, mataas pa rin ang benta sa kanila ng kanilang supplier nitong umaga ng Biyernes.

“Hindi kaya, ang laki ng puhunan namin. P570 ang puhunan ng sibuyas,” ayon kay Garcia.

Ilang mamimili rin tulad ni Nilda Zafra ang naghahanap na ng P250 na sibuyas pero bigong makakita nito sa palengke.
Ilang mamimili rin tulad ni Nilda Zafra ang naghahanap na ng P250 na sibuyas pero bigong makakita nito sa palengke.
ADVERTISEMENT
“We use na lang onion powder and onion flakes. It’s cheaper. But we really need onions. Wala pang P250,” sabi ni Zafra.

Sinubukan din ng nagtitindang si Joy Anne Teves na makakuha ng suplay ng sibuyas sa tanggapan ng DA sa pag-asang makakuha ng mas mababang presyo.

Pero sa huli, sa dating supplier pa rin siya kumuha at namuhunan ng P600 kada kilo sa sibuyas.

“Fruits lang nadatnan. Kaya dumiretso na ako rito ulit. Sa bagsakan din siya pero hindi ko rin alam bakit ganoon kamahal ang sibuyas,” ayon kay Teves.

Ayon sa DA, tanging mga Kadiwa Stores muna ang kanilang masusuplayan ng sibuyas para may mabilhan ang mga mamimili ng sibuyas na nasa P170 kada kilo.

Sa Kadiwa Store sa Quezon City Memorial Circle, blockbuster ang pila ng mga namili at dinumog ang panindang sibuyas na mas mababa ang presyo kumpara sa palengke.

May puting sibuyas din mula Nueva Ecija na mabibili sa halagang P170 kada kilo.

“Mas mura nga. Mas malaki ang matipid kaysa palengke,” ayon sa mamimiling si Lita Ragay.

Para maiwasan ang hoarding, hanggang tig-iisang kilo ng pula at puting sibuyas lang muna ang pinapayagang ibenta kada mamimili.