Price control sa bigas panawagan ng ilang grupo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Price control sa bigas panawagan ng ilang grupo

Price control sa bigas panawagan ng ilang grupo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nanawagan ang ilang grupo ng price control o price cap sa bigas dahil hindi pa rin anila bumababa ang presyo sa mga pamilihan kahit na bagsak-presyo na ang palay sa isang lugar.

Ayon sa grupong Laban Konsyumer, dapat magtakda muli ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin kasama ang bigas para maibsan ang hirap ng mga mamamayan.

Nanawagan din ang grupong Bantay Bigas na magpataw ng price control na P28 hanggang P32 sa kada kilo ng bigas.

"Tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa langis tapos napakamurang presyo ng palay ngayon, at napakadaming imported na bigas [na] hindi rin naman nagresulta sa significantly na pagbaba ng presyo ng bigas sa palengke. Kahit ilang taon na napakababa ng presyo ng palay pero 'yung bigas talagang hindi bumababa sa ipinangako ng Rice Liberalization Law na paaabutin niya ng P25," ani Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo.

ADVERTISEMENT

Pero para sa Samahang Industriya ng Agrikultura dapat ayuda sa mga magsasaka gaya ng subsidiya ang dapat na solusyon.

"Kung mag-cap sila sa market, mape-pressure down na naman ang mga nagbibili ng palay, baka bumaba pa 'yan, 'yun ang nakikita natin kung mag-cap sila sa presyo ng retail," ani SINAG Chairman Rosendo So.

"'Yung suportahan 'yung ani, 'yung presyo ng farmgate tapos ang gawin is tulungan sila, 'yung mga delivery sa Metro Manila, para at least ay matulungan 'yung presyo," dagdag niya.

Nasa P10 hanggang P13 ang farmgate price ng kada kilo ng bigas sa ngayon, ayon kay So.

Pero ang dapat anilang farmgate price ay nasa P17.50 para sa fresh na palay habang P19.50 hanggang P20 ang farmgate price para sa dry palay.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, wala nang kita ang mga magsasaka.

At sa ngayon, nakapako pa rin sa P33 hanggang P40 ang kada kilo ng regular-milled na bigas habang nasa P36 hanggang P44 ang kada kilo ng well-milled na bigas, na halos walang pagkakaiba sa presyo ng bigas noong mga nakaraang buwan at noong Oktubre 2020.

Sabi naman ni Secretary William Dar ng Department of Agriculture na may mga bagsak-presyong gulay na sa ilang lugar, pero hindi pa rin kailangan ng price cap sa bigas.

"'Yung sariwa, fresh ang average price nationwide ay P14.30. Ang dry, 'yung tuyo, ay ang average ay P17.81 so pag tinanong mo OK ba 'tong mga presyo na ito, under the present circumstances, ok na ito. Very extreme 'yung sinasabi natin na P10. Meron naman pero in one area na maliit. 'Yung sinasabi natin na lugi ang farmer, I don’t think that’s what we are receiving from the field," ani Dar.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.