Negosyong lettuce farm sa Pampanga, sinimulan sa halagang P1,000 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Negosyong lettuce farm sa Pampanga, sinimulan sa halagang P1,000
ABS-CBN News
Published Sep 18, 2022 04:08 PM PHT

Saan nga ba aabot ang P1,000 mo?
Saan nga ba aabot ang P1,000 mo?
Para sa 22 anyos na marketing student na si Harold Zapata, lettuce farm ang kaniyang naitayo gamit ang naturang halaga noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

"Noong pandemic, wala tayong baon. So nag-start akong mag-explore sa pagnenegosyo," ani Zapata, na taga-San Fernando, Pampanga.

Ginagamit ni Zapata sa farm ang hydroponics o pagpapapalaki at pag-aalaga ng mga halaman sa pamamagitan ng paggamit ng water-based na mineral nutrient solution na mga may tubig na solvent.

Ang hydrophilic farming naman ay isang paraan ng pagtatanim kung saan hindi na kailangan magbungkal ng lupa para magpatubo ng halaman.

P1,000 lang ang kaniyang kinailangan dahil karamihan sa mga ginamit niya ay hiningi, binigay o recycled tulad ng mga styrobox mula sa mga tindera sa palengke, at UV shade na gawa sa murang materyal.

Ang P1,000 ni Zapata ay galing sa pagbebenta ng dimsum, na pinagkakakitaan niya bago itayo ang farm.

Aniya, hindi kailangan ng extensive na maintenance at labor kaya isa lang ang kinailangan niyang katulong sa farm.

Malakas ang demand sa lettuce dahil sa dami ng Korean restaurants, sabi niya.
Malakas ang demand sa lettuce dahil sa dami ng Korean restaurants, sabi niya.
ADVERTISEMENT
Mabilis din umano ang kita dahil nasa 45 hanggang 50 araw lang ang cycle ng pagpapatubo.

Mula 70 punla ng lettuce noong Abril 2021, napalago niya ito. Ngayon ay may 2,000 lettuce na ng iba't ibang variety ang naibebenta niya nang halos P50,000 kada buwan.

Ipinagmamalaki si Zapata ng kaniyang pamilya, sabi ng inang si Rolibeth.

"Sa mga magulang po na katulad ko, kung ano po 'yong gusto ng mga anak niyo, suportahan niyo lang kung saan nila gusto, para maging desidido rin sila sa paghahanapbuhay," ani Rolibeth.

Bukod sa negosyo, abala rin ngayon sa pagtuturo at paga-upload ng video si Zapata tungkol sa lettuce farming sa pamamagitan ng hydroponics, para makapagbigay ng inspirasyon sa iba pang kabataan na pasukin din ang pagnenegosyo.

— Ulat ni Gracie Rutao
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
San Fernando
Pampanga
lettuce farm
negosyo
negosyo tips
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT