Higit triple: Presyo ng kamatis nasa higit P200/kilo na sa ilang palengke sa NCR | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit triple: Presyo ng kamatis nasa higit P200/kilo na sa ilang palengke sa NCR

Jervis Manahan,
ABS-CBN News
Published Aug 31, 2023 04:35 PM PHT
|
Updated Aug 31, 2023 08:01 PM PHT

Kung dati, itinatambak na lang ang mga kamatis sa probinsya dahil may oversupply at masyado nang mura -- ngayon, tila mamumulubi ang bibili ng isang kilo nito.

Sa Murphy Market sa Quezon City, umaabot na sa P200 ang kada kilo ng kamatis, kaya naman pa isa-isang piraso na lang ang bili ng mga consumer.

"Ngayon lang siya tumaas nang ganyan kataas. Siyempre nagugulat, kasi dati pag mura, tumpok-tumpok nilang nabibili tas ngayon isang piraso 10 pesos, ganon kaya nagugulat sila. Dati 1/4, ngayon dalawang piraso na lang dahil sa taas ng price," anang vegetable retailer na si Lanie Brucal.

Base sa Bantay Presyo ng Department of Agriculture, naglalaro ang presyo nito mula P160 hanggang P210 sa ngayon.
Base sa Bantay Presyo ng Department of Agriculture, naglalaro ang presyo nito mula P160 hanggang P210 sa ngayon.
ADVERTISEMENT
Kuwento ng mga nagtitinda, nagsimula nang tumaas ang presyo noong isang linggo, pero tumaas ito ng todo nitong nakaraang 2araw.

Nitong Abril lang, ipinamimigay na lang nang libre ang mga kamatis sa ilang lalawigan gaya ng Nueva Vizcaya. Ngayon, dumadaing ang mga tao dahil sa taas ng presyo nito.

Paliwanag ng general manager ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal, tumaas ang presyo ng kamatis dahil dumadagsa ang mga buyer doon.

"'Yung buyers, wala na silang ibang mabibilihan na trading center kaya dito ang puntahan. Dahil sa habagat, nasira o wala nang produktong kamatis sa western philippines," ani Gilbert Cubila, General Manager ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal.

Naapektuhan kasi ang mga taniman nito sa Mindoro, at ibang bahagi ng Luzon. Hindi pa agad nakikitang bababa ang presyo ng kamatis.

Tinitingnan na ng Department of Agriculture kung paano masosolusyunan ang issue.