'Presyo ng bigas, maaaring tumaas dahil sa rice tariffication' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Presyo ng bigas, maaaring tumaas dahil sa rice tariffication'

'Presyo ng bigas, maaaring tumaas dahil sa rice tariffication'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 16, 2019 04:49 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Imbes na bumaba ang presyo ng bigas, maaari pa raw itong tumaas sa ilalim ng panukalang rice tarrification, ayon sa isang agribusiness group.

Pangamba ng pinuno ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na si Rosendo So, maaaring tumaas ang presyo ng bigas sa ilalim ng rice tarrification dahil aalisin dito ang hindi kinakailangang partisipasyon ng gobyerno sa rice market.

Ayon kasi sa rice tarrification bill, maaaaring magtaas umano ang presyo ng bigas kapag nagpa-import pa ng mas maraming bigas sa bansa.

"Ibig sabihin lahat magpapasok, so 'yung volume hindi na natin alam kung ilan ang papasok. So once na ganu'n ang mangyari, 'yung mga nagbebenta sa other country, may demand ang Pilipinas, itataas din nila ang presyo," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT

Sa kaniyang State of the Nation Address, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasa ang rice tarrification bill para bumaba ang presyo ng bigas at masolusyonan ang artificial rice shortage sa bansa.

Ngunit iginiit ni So na dapat hulihin na nang agaran ang mga nagsasagawa ng rice cartel.

"Parang drugs din 'yan eh di ba? Dapat hinuhuli so dapat hulihin 'yung mga nagka-cartel, kilala ni Presidente eh, dapat hulihin,” aniya.

Ayon sa kalihim ng National Economic Development Authority na si Ernesto Pernia, oras nang isabatas ang bill para payabungin ang agrikultura sa bansa.

"All of us must rally behind the administration's reform agenda, most especially the rice tariffication bill, which if implemented will make our agriculture sector competitive in the long-term,” aniya.

Bababa rin daw kasi ng isang percentage point ang inflation rate ng bansa kapag naisabatas ito.

ADVERTISEMENT

Ayon naman sa isang consumer group, kung ano man ang maging resulta ng pagpasa ng bill ay dapat pa ring may bigas na abot-kaya para sa mga konsumer.

Dapat ay mayroong P27 at P32 per kilo na National Food Authority rice kahit matuloy man ang tariffication, lalo pa at nadagdagan ng isang milyon ang mahihirap, ayon sa pangulo ng Laban Konsyumer na si Victorio Mario Dimagiba.

"Ang mga consumer, hinahanap niya 'yung murang bigas. P27 at P32 na NFA, ito po ba ay kayang pantayan ng presyo nitong mga private traders na mag-aangkat ng bigas?" aniya.

Payo ni So, dapat tutukan ng gobyerno kung paano palalakasin ang lokal na magsasaka para hindi na kailangan pang mag-import ng bigas.

--Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.