ALAMIN: Toll rates para sa Skyway Stage 3 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Toll rates para sa Skyway Stage 3

ABS-CBN News
Published Jul 07, 2021 06:49 PM PHT

Inilabas ngayong Miyerkoles ng Toll Regulatory Board (TRB) ang inaprubahang singil sa toll ng Skyway Stage 3, na sisingilin sa mga motorista simula Lunes, Hulyo 12.

Narito ang mga aprubadong toll rate na kokolektahin ng SMC Infrastructure ng San Miguel Corp. (SMC):

- Buendia hanggang Balintawak - P264
- Buendia hanggang Sta. Mesa - P105
- Sta. Mesa hanggang Ramon Magsaysay - P30
- Ramon Magsaysay hanggang Balintawak - P129

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, patas ang inaprubahang singil para sa investor at motorista.

"Marami pong factors 'yan. At the end it must be fair to, both fair to the motorists and it also must be fair to our investors," ani Corpus.

Ang usapan kasi umano ng TRB at SMC, dapat higit sa 95 porsiyento nang kompleto ang proyekto bago maningil ng toll.

Dapat nainspeksiyon din nang mabuti ang mga electronic toll collection system at gumagana nang walang aberya.

Ayon sa SMC, na nagpondo at bumuo ng P80 bilyon skyway, umabot na sa P246 milyon ang pagkakalugi nila dahil sa hindi paniningil ng toll.

Pagkatapos ng 2 taon, muling dadaan sa pagsusuri ang toll rates ng Skyway Stage 3.

Sa tulong ng Skyway Stage 3, aabutin na lang nang 30 minuto ang biyahe ng mga motorista mula Alabang hanggang Balintawak, mula sa dating 3 oras.

Mula naman Buendia hanggang Balintawak, 20 minuto na lang ang biyahe.

— Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
motorista
Skyway Stage 3
toll
toll fee
toll rate
San Miguel Corp
Toll Regulatory Board
traffic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT