Pagpataw ng suggested retail price sa isda at gulay, inalmahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagpataw ng suggested retail price sa isda at gulay, inalmahan

Pagpataw ng suggested retail price sa isda at gulay, inalmahan

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inalmahan ng ilang nagtitinda sa palengke ang pagtakda ng Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa ilang klase ng isda at gulay.

Ayon sa mga nagrereklamo, depende talaga ang presyo ng mga produkto sa hango o dikta ng kanilang supplier.

"Di kami pabor doon kasi unang-una ang presyo ng bangus namin, kapag masama ang panahon, nagbabago ng price 'yan," anang isang tindero.

"Lalo na kapag bagyo, walang-wala talagang makuha, eh kung sa P150 lang, wala na kaming kikitain," sabi naman ni Joseph Caña, tindero ng isda.

ADVERTISEMENT

"Malaki kasi ang puhunan ngayon, hindi nagkakasya 'yong mga [kita] namin kaya hindi po nila dapat nilalagyan [ng SRP]," sabi ng tinderang si Dolly Padua.

Pinirmahan nitong Lunes, Hunyo 25, ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang administrative circular na nagpapataw ng SRP sa mga produktong agrikultural.

Narito ang mga SRP ng mga kalakal na nabanggit sa circular:
• Regular Milled Rice - P39/kilo
• Bangus - P150/kilo
• Tilapia - P100/kilo
• Galunggong - P140/kilo
• Pulang Sibuyas - P95/kilo
• Puting Sibuyas - P75/kilo
• Bawang (Imported) - P70/kilo
• Bawang (Local) - P120/kilo

Marami ring nagtitinda ang nagrereklamong hindi nila alam ang tungkol sa SRP dahil hindi pa sila naaabisuhan.

Pabor naman ang mga mamimili sa SRP dahil hindi na maaaring lumagpas sa itinakda ang presyuhan ng mga nabanggit na produkto.

ADVERTISEMENT

"Gusto ko iyon para alam mo 'yong budget mo kung paano ia-adjust," sabi ng konsumer na si Linda Bastani.

Warning muna ang gagawin ng DA sa mga lalagpas sa SRP dahil ilalathala pa naman ang bagong patakaran.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, layunin ng pagtakda ng SRP na mabigyan ng proteksiyon ang mga konsumer mula sa umano'y pang-aabuso sa presyuhan.

Paliwanag pa ng DA, puwede pang tumaas nang kaunti sa SRP ang presyo ng mga ibinebenta basta hindi lumagpas ng 10 porsiyento,

Maaaring maharap sa kaso ang mga mahuhuling nagbebenta sa presyuhang sobra-sobra sa itinakda.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.