Pagkukumpuni sanhi ng power interruption: Meralco | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkukumpuni sanhi ng power interruption: Meralco

Pagkukumpuni sanhi ng power interruption: Meralco

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 21, 2019 04:34 PM PHT

Clipboard


Maintenance upgrade o pagkukumpuni ang dahilan ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ayon sa Manila Electric Comapny (Meralco).

Binitawan ng Meralco ang paglilinaw dahil may mga kumakalat umanong istorya na nagsasabing kasunod ng kakulangan sa suplay ng tubig sa mga sineserbisyuhan ng Manila Water, kuryente naman ang mawawala sa mga susunod na araw.

Pero pinabulaanan ng Meralco ang mga haka-haka at tiniyak na sapat ang suplay ng kuryente para sa kabuuan ng tag-init kasama ang araw ng halalan.

"Sana huwag na hong itahi sa issue sa shortage ng tubig o gayundin ay sasabihin may shortage ng kuryente, wala po," ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

ADVERTISEMENT

Inaanunsiyo ng Meralco kada linggo ang mga lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan na makararanas ng power interruption dahil sa maintenance upgrade.

Ayon sa Meralco, walang kinalaman sa suplay ng kuryente ang mga power interruption na nararanasan dahil sa maintenance upgrade.

Nauna nang sinabi ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na hindi magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng kuryente gaya ng nangyari sa tubig sa Manila Water.

Wala rin daw kinalaman ang power interruption sa mga nakalipas na yellow alert o pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.