Ilang taniman ng sibuyas sa N. Ecija, pinepeste ng mga uod | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang taniman ng sibuyas sa N. Ecija, pinepeste ng mga uod

ABS-CBN News
Published Mar 09, 2019 03:33 PM PHT

Pinoproblema ngayon ng ilang magsasaka sa Nueva Ecija ang pamemeste ng mga army worms o harabas sa kanilang mga pananim na sibuyas na nagdudulot ng pamumuti ng dahon at pagkabutas ng mga bunga nito.

Kabilang dito si Gemma Linsangan, na daan libo na raw ang nagastos sa paggamit ng mga pesticide sa isang ektaryang taniman ng sibuyas.

Bukod pa dito ay hindi na mapakinabangan ang isang bahagi ng kaniyang taniman dahil sa pag-atake ng army worms.

Sa opisyal na tala ng Department of Agriculture, ang mga bayan ng Sto. Domingo at Gen. Natividad pa lang ang naitatala nilang apektado ng harabas. Hindi pa kabilang dito ang mga taniman sa bayan ng Rizal.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Greg Quinones, high value crop officer ng Provincial Agriculture Office ng Nueva Ecija, posibleng hindi mabisang kemikal ang ginagamit nila sa bukid kaya dumami pa ang uod dito.

“Siguro sa kagustuhan nilang maisalba 'yung kanilang mga tanim na sibuyas eh kahit nalang anong insecticide eh ginagamit nila so 'yun ang nagiging daan para masanay 'yung uod sa ganoong lason,” aniya.

Higit 10,000 ektarya ang taniman ng sibuyas sa lalawigan at inaalam pa ang kabuuang pinsala ng harabas.

Sinabihan ang mga magsasaka na agad itong i-report sa Municipal Agriculture Office para magawan ng aksiyon.

OVERSUPPLY PINOPROBLEMA RIN
Inirereklamo din ng ilang magsasaka ang umano'y dami ng suplay ng sibuyas na pinaniniwalaan nilang bunga ng over-importation umano nito.

Bumagsak sa P22 kada kilo ang farmgate price ng pulang sibuyas mula sa P28 hanggang P30 kada kilo, bagay na ikinabahala ng magsisibuyas na si Joselito Remando.

“Dapat tangkilikin natin 'yung sariling produkto natin,” aniya.

--Ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Nueva Ecija
N. Ecija
regional
regional news
sibuyas
onions
pananim
agrikultura
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT