Presyo ng itlog at itlog na maalat tumaas sa ilang pamilihan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng itlog at itlog na maalat tumaas sa ilang pamilihan

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Jan 22, 2020 05:36 PM PHT

MAYNILA — Bahagyang tumaas ang presyo ng itlog sa Mega-Q Mart sa Cubao, Quezon City, partikular na ang mga suplay mula sa Pampanga, sabi ng mga tindera nitong Miyerkoles.

Ayon sa tinderong si Jonel Decerdo, 2 linggo nang kulang ang suplay ng itlog na nakukuha nila mula sa supplier nila sa Pampanga.

Dahil diyan, mataas ang bentahan nila sa itlog na naglalaro sa P6.60 hanggang P7.50 kada piraso mula sa dating price range na P5.40 hanggang P7.30.

"Dalawang linggo na kami matumal... Hindi ko alam sa kanila palaging ubos ang itlog nila," ani Decerdo.
"Dalawang linggo na kami matumal... Hindi ko alam sa kanila palaging ubos ang itlog nila," ani Decerdo.
ADVERTISEMENT
Pero ang isang tindero na si Reneboy Tuazon na may puwesto sa Balintawak Market, bagsak-presyo naman ang bentahan sa itlog, pero mula Batangas naman daw ang kaniyang suplay.

Bumaba rin daw ang presyo ng ilang itlog mula Tarlac.

"Bumaba po ngayon. 'Yung isang tray bumaba sa P5.40 per piraso, dati po tumaas, ngayong bumaba po galing Batangas," ani Tuazon.

Samantala, pare-pareho namang nagtaas ang presyo ng itog na maalat sa mga palengkeng inikot ng ABS-CBN News.

Ang dating P10 hanggang P12 kada piraso ay ibinebenta ngayon sa P13.

Ayon sa mga nagtitinda, kulang kasi ang produksiyon ng itik sa ilang mga manukan sa Central Luzon.