Bakit importante ang madalas na pag-ihi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit importante ang madalas na pag-ihi
Neima Chowdhury
Published May 05, 2016 02:16 AM PHT

Mahilig ka ba sa maalat at hindi masyadong umiinom ng tubig?

Ayon sa isang urologist, ang sakit sa bato o kidney stone ay sanhi ng pamumuo ng kristal sa bato dahil sa kakulangan ng tubig o pagbabara ng daluyan ng ihi.

Sa programang "Magandang Gabi Dok" ng DZMM, pinaliwanag ni Dr. Samuel Vincent Yraztorza na may dalawang kristal sa kidney: ang calcium crystals at uric acid.

"May mga crystals, yung tinatawag na uric acid, calcium crystals pero nasa dissolve form siya. Ibig sabihin, tunaw siya, hindi siya namumuo. Pero kapag kumokonti 'yung tubig, 'yan namumuo na siya," ayon kay Yraztorza.

Posible ring dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa bato ay ang pagkain ng maalat at mataas na uric acid at calcium intake.

May isa pang klase ng kidney stone kung saan ang mga kristal ay namumuo sa pantog mismo dulot ng pagbabara ng labasan ng ihi.

"'Pag ihi ka nang ihi, nailalabas mo't nalalabas 'yung crystals, walang time ang crystal para mamuo. Pero 'pag barado 'yung labasan ng ihi, iihi ka, pakonti konti lang, hindi nakakalabas lahat, mas malaki ngayon ang tsansa ng mga crystals at ihi na mamuo at magkaroon ng bato sa pantog," paliwanag ng urologist.

Ang pinakamadalas na sintomas ng sakit sa bato ay sobrang pananakit ng tagiliran sa bandang baba ng tadyang.

Sa sobrang sakit ng tagiliran ay maaari ring himatayin, makaranas ng pagkahilo at pagsusuka.
Sa sobrang sakit ng tagiliran ay maaari ring himatayin, makaranas ng pagkahilo at pagsusuka.
ADVERTISEMENT
Isa pang sintomas nito ay ang mapulang ihi na mistulang kulay dugo o tsaa.

Upang maiwasan ang sakit sa bato, mainam na uminom ng dalawa hanggang tatlong litro o walo hanggang 10 baso ng tubig kada araw ngunit importante rin aniya na sukatin kung gaano kadalas ang pag-ihi sa isang araw.

"Pero ngayon, mas importante 'yung dami ng iniihi mo kasi maaring ang dami mong iniinom na tubig, pero ang init-init naman ng panahon or ang dami mong ginagawa, pinapawisan ka talaga, kulang pa rin iniinom mo. So mas magandang ime-measure 'yung iniihi mo and dapat 'yun 2-3 liters a day. Mga 5-6 times kang iihi sa isang araw dapat para mas maganda," paliwanag ni Yraztorza.

Makatutulong din na tingnan ang kulay ng ihi. Nangangahulugan na may kakulangan sa tubig kung ito ay masyadong madilaw.

Dapat ding iwasan ang maaalat na pagkain dahil ito ay nagdudulot ng water retention kung saan hindi nailalabas ang tubig.

Sa ngayon ay may iba't iba nang paraan upang gamutin ang sakit sa bato tulad ng shock waves o laser, invasive, at endoscopic procedures.

Ayon kay Yraztorza, maaaring magkaroon ng sakit sa bato maging ang mga nasa edad 14 ngunit ito ay mas madalas sa edad 20 pataas.

Mahalaga pa rin aniya ang regular na check-up sa doktor upang maagapan ang anumang uri ng sakit.