Ricky Davao at Gina Alajar parang bagets na nagpakilig sa ‘Monday First Screening’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ricky Davao at Gina Alajar parang bagets na nagpakilig sa ‘Monday First Screening’

Ricky Davao at Gina Alajar parang bagets na nagpakilig sa ‘Monday First Screening’

Leo Bukas

Clipboard

There’s life and love for senior citizens like Ricky Davao and Gina Alajar na parehong bida sa pelikulang Monday First Screening ng Net 25 Films.

Ipinakita sa pelikula ang advocacy na bigyan pa rin ng purpose sa buhay ang mga senior citizens na kagaya ng karakter nina Gina, isang retired professor, at ni Ricky na dati namang architect.

Tama nga naman na kahit matatanda na sila ay meron pa silang silbi at maiko-contribute sa ating lipunan kaya hindi sila dapat kaawaan or maging idle.

Sa ibang bansa nga binibigyan pa nila ng chance ang mga seniors na 60-plus ang edad na makapagtrabaho at kumita ng pera. Dito lang naman sa bansa natin uso ang diskriminasyon.

ADVERTISEMENT

Anyway, bukod sa advocacy na ikinakampanya ng Monday First Screening to help the seniors, nakadagdag din ng kilig sa pelikula ang ligawan part nina Ricky and Gina.

Ricky played the character of Bobby in the film while Gina naman played the role of Lydia. Ang ganda ng chemistry ng dalawa na maganda ring na-execute ng direktor ng pelikula na si Benedict Mique.

Iikot ang kuwento ng Monday First Screening sa dalawang senior citizen na nagkakilala at nagkainlaban sa panonood ng libreng pelikula tuwing Lunes sa isang mall. Kahit mga senior citizens na ay nakuha pa ring magpakilig nina Gina at Ricky na gumaganap na magdyowa sa kuwento kung saan pinatunayan nila ang kasabihang age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig.

Ipinakita rin sa movie ang kahalagahan ng pakikisama at ang pagbibigay ng second chance sa lahat ng mga taong deserving ng pagbabago. Mahalaga din ang pagtanggap at pag-move forward.

May ilang mga eksena sa pelikula na aantig sa inyong mga damdamin at makaka-relate kayo lalo na yung mga dumadaan na sa tulad nilang may tinatawag ng senior moments. Pero mapapangiti rin kayo at hindi mawawalan ng pag-asa na kahit tanders na tayo ay meron pa rin tayong karapatang maging masaya.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Gina, sinabi nitong super happy siya sa natatanggap na feedback mula sa mga nakapanood na ng kanilang pelikula. Sabi pa niya sa pagiging leading lady ni Ricky.

“Of course, I’m so grateful, I’m so proud kasi magkaibigan naman kami ni Ricky, I’m so relaxed with him. Thankful ako dahil napili kami para pagbidahan ang pelikula.

“You know, come to think of it, sa dinami-rami na rin ng mga senior citizen na kaedaran namin sa industriyang ito, kami ang napili,” sey ng 64-anyos na aktres.

Dugtong pa ng aktres, “Hindi ako nag-second thought kasi alam ko na bihirang mabigyan ng pansin ang ganitong klase ng istorya. Because first of all, di ba, hindi naman syempre superstar, I mean yung artista kapag nandito na sa ganitong edad, di ba?

“Lagi tayong nandu’n sa kabataan. We’re not given na rin talaga na mga opportunities to be the lead stars of movies,” aniya pa.

ADVERTISEMENT

Ano naman kaya ang masasabi dito ni Ricky sa kinakiligang love team nila ni Gina?

“Yung feeling na bida kami ni Ms. Gina Alajar tapos nung binasa ko yung material, ang ganda. Tapos I felt so important na Net25. Kasi ako, I was directing something for GMA, same thing with Gina, may ganon and they really waited for us. So nagkaroon talaga ng chance, isang bagsakan ganon, eksakto. Tapos ang kasama pa namin napakagagaling na artista, sila Ruby Ruiz, si Soliman Cruz,” aniya.

Palabas na sa 100 sinehan ang Monday First Screening simula sa August 30 at ire-release ito ng Regal Entertainment.

“Misyon ng NET25 Films na maging generally wholesome, family-friendly production. Napakaraming materyales kahit sa telebisyon at pelikula na may mga touchy na subject. Napatunayan na namin na kayang makabuo ng content na pinahahalagahan ang Filipino values. Gusto naming maging iba sa industriya. I think with NET25 Films, magiging very unique tayo.

“Ang wholesome content ay gagawin tayong kakaiba. Tulad nang nabanggit ni Ms. Gina Alajar, puwede naman palang gumawa ng pelikula or kuwento na may kuwenta,” ani Cesar Vallejos ng Net 25 Films.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.