Ogie Diaz, willing nga ba makipag-ayos kay Liza Soberano? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ogie Diaz, willing nga ba makipag-ayos kay Liza Soberano?

Ogie Diaz, willing nga ba makipag-ayos kay Liza Soberano?

Francisco Juniour Escuadro

Clipboard

Lifetime duties and responsibility kung ilarawan ng kilalang talent manager-turned-YouTube entertainment insider na si Ogie Diaz ang pagiging tatay sa kanyang mga anak.

Sa Father’s Day episode ng Cinemanews, ibinahagi ni Ogie kung kamusta nga ba siya bilang isang tatay sa kanyang all five daughters. 

“Oo I have five girls 21. 19. 15. 14 at 6 years old. Maganda silang ehersisyo sa mental health ko,” pabirong bungad ni Ogie nang kamustahin ang kanyang mga anak.



Bilang isang real life father sa kaniyang five girls, nauunawaan umano ni Ogie ang pagsibol ng mga uso ngayon na tinitibok ng puso ng Gen Z na dahilan, para masabayan niya ang kaniyang audience with his vlog.

ADVERTISEMENT

“Kasi maganda din na maganda yung takbo ng utak nila, iba iba yung laman ng utak nila at takbo, para mas maintindihan ko kunwari nasa loob pa lang ako ng bahay, hindi ko kailangan lumabas para malaman kung ano ang saloobin ng Gen Z so sila, nababasa ko na agad, nababalitaan ko na agad or sila mismo nagkukuwento ng mga latest," aniya. 

Talking about his five kids, thankful rin si Ogie na lumalaking mababait ang kanyang mga anak kahit abala siya sa trabaho sa entertainment scene. 

“So ako naman happy naman ako bilang tatay at happy naman ako na sila ang aking mga anak at Wala naman salbahe sa mga anak ko, YES! Kasi, titirahin ko sila sa showbiz update,” pagbibiro nito.

Bukod sa pagtataguyod sa kanyang sariling mga anak, maituturing rin na pangalawang ama rin si Ogie sa kaniyang mga alagang artista bilang isang talent manager.

Kaya naman reveal ni Ogie, hindi aniya biro ang mag=handle ng artista lalo pa at humaharap ito sa iba’t ibang isyu. 

ADVERTISEMENT

At isa na nga rito ang tila love-hate relationship nila ng kanyang former talent na si Liza Soberano. 

Matatandaan na kamakailan lang, naging laman ng social media ang mga naging pahayag ni Liza na spekulasyon ng karamihan ay naging daan para magkaroon ng lamat ang kanyang relasyon sa former manager. 

Para kay Ogie, nakalipas na ito hindi na siya apektado dito sa ngayon. 

“Hindi naman. Alam mo hindi naman mahirap I handle ang isang sitwasyon lalo na kung alam mo ang tunay na kaganapan lalo na kung alam mong hindi ka nagsisinungaling, lalo na kung sinasabi mo lang ang katotohanan. Hindi ka dapat mahirapan as long as you know the truth and you are telling the truth and only the truth. 'Yun lang,” ani Ogie.

Bilang isang ex-manager ni Liza, nais lamang aniya na bigyan at ibulalas ang kanyang sariling bersyon sa naging isyu sa pagitan nila ni Liza na hindi alam ng maraming fans ng aktres.

ADVERTISEMENT

“Kasi kung nagsisinungaling ka, iba na ang statement mo. Eh ako, hindi! and ang sa akin, gusto kong unawain kung saan nang gagaling si Liza kung gusto niya ng ng ibang career path wala naman problema sa akin," aniya. 

Pagpapatuloy pa niya: "As long as tama lang naman ang sasabihin mo ‘yung hindi ako makukuwestiyon na bakit ito ang ginawa mo sa kanya, bakit ito ang sinabi mo against her, bakit ito sinabi niya against you. Siyempre kailangan ko rin naman sumagot kapag mayroon nang hundi maganda sa mga narinig ko. At kailangan kong ibangon ang integridad ko, ‘di ba?”

Nagkaroon man ng lamat ang kanilang samahan ni Liza, inamin ni Ogie na malaki ang utang na loob niya sa dating alaga sa mga naitulong rin nito sa kaniyang buhay.


“At the end of the day i still owe her big time na if not for Liza, siguro marami din akong hindi na achieve kaya nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya. Kung ano man 'yung mga nagawa niya sa buhay ko, sa buhay ng miracle baby ko, kailangan thankful ka pa rin, grateful ka pa din ako ha sa kanya," sambit ni Ogie. 

"Kahit na sinasabi ng iba na ako yung sinisiraan ng mga fans, wala akong pakialam. For as long as I know the truth and we both know the truth okay ako don,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Paglilinaw pa ng ex talent manager ni Liza, wala aniya siyang galit sa kabila ng tila hindi naging magandang ending ng kanilang samahan.

“Life has to go on and na-ka-move on naman na ako and I’m sure pati siya naka move on na rin, so okay lang ‘di ba?” aniya. 



Kung tatanungin naman kung handa nga ba siya makipag-ayos kay Liza, ito ang naging sagot niya: “Kapag nga one time bigla kaming magkasalubong? Kung babatiin niya ako babatiin niya ako, babatiin ko siya." 

"Kasi ayoko naman lumapit baka ma-isnab ako, sa tanda kong ito sa industriya ma-isnab pa ako hindi na. Kung lalapit, thank you!” dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Ogie, maliit lamang ang mundo ng show business at naniniwala siya na darating ang tamang oras at tamang pagkakataon para matapos ang tila gusot at hindi pagkakaintindihan nila ni Liza.

“Maganda lang sana wala ng sakitan na after the split up para wala na din marinig at the end of the day maliit lang ang mundo maliit lang ang showbiz, magkikita at magkikita pa rin tayo o mahirap magpautang ng salita. Mahirap na magbitaw ng masasakit na salita kung kakainin mo lang din naman. Ako 'to ha?" saad ni Ogie. 

ADVERTISEMENT

"Kung kakainin ko lang din naman at nalang araw magkita kami na ‘o ano na 'yung sinabi mo kay Liza? Ang tagal ko na dito nakakahiya naman kung wala pa akong natutunan 37 years na ako in the business. Ganun lang,” paliwanag pa ni Ogie.

Aminado rin ang talent manager na tumayong pangalawang ama kay Liza na ay na-mimis niya aniya ito bilang ang dami na nilang pinagsamahan. 

“Kapag binati ako ni Liza jusko baka hindi ko na siya pakawalang yakapin kasi nga na mis ko yung bata. Namis ko yung dating siya,” sambit ni Ogie.

Sa huli, nilinaw ni Ogie na wala siyang sama ng loob kay Liza at tanging the best pa rin ang wish niya para dito na bumubuo ngayon ng bagong identity bilang si Hope Soberano.

“Oo naman. Pangit naman na mag wish pa tayo ng masama sa tao. Marami rin naman ang gumago rin sa akin. Marami naman usapan 'yun, pero hindi ko sila sinusumpa, hindi ko sila sinasabi ma-karma sila kasi alam naman ng yos ang ginagawa nila. Alam rin ng diyos ang ginagawa ko. Kasi kapag tinanim mo pa 'yan dito, kakarga pa 'yan sayo," aniya. 

ADVERTISEMENT

"Mas maganda na okay na okay na 'yan. Ang importante wala ka na karga. 'Yun lang naman 'yun. Saka wala ako ng sama ng loob kay Liza after all of this. Nilinaw ko lang naman ang ibang issue. 'Yun lang naman 'yun. Pero sama ng loob, wala. Tandaan mo, ‘pag naglaan ka ng sama ng loob, kasalanan mo 'yun sa sarili mo,” pahayag pa ni Ogie.

Sa ngayon, patuloy na inaabot ni Liza ang kaniyang bagong pangarap na pasukin ang Hollywood scene.

Read More:

Ogie Diaz

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.