Pia Moran, inalala ang pinagdaanan sa showbiz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pia Moran, inalala ang pinagdaanan sa showbiz

Pia Moran, inalala ang pinagdaanan sa showbiz

Leo Bukas

Clipboard

Balik-showbiz ang tinaguriang Ms. Body Language noong dekada 80 na si Pia Moran. Sikat na sikat noon ang aktres dahil sa husay niya sa pagsasayaw.

Ayon kay Pia, madali niyang natanggap ang pagkalaos at pagkupas ng kinang ng kanyang bituin. Hindi rin daw siya na-depress sa nangyari.

 “Hindi naman ako na-down, nandiyan lang ako. Siyempre, talagang minsan mawawala tayo pero hindi ako na-down. Hindi ako nagkaroon ng depression or anxiety — wala. I have to accept everything,” pahayag ni Pia sa interbyu ng PUSH.

 “Kung anuman yung masaya noon, ‘yung nakitang nandiyan sa showbiz, ‘yung mataas ka tapos bigla kang nawala, okay lang sa akin ‘yun. No hurt feelings, ganun talaga, eh. Meron ding darating sa akin na hindi ko inaasahan, katulad nito,” dagdag pa niya.  

ADVERTISEMENT

Si Pia ay isa sa cast ng movie project na Lola Magdalena na pinagbibidahan ni Gloria Diaz sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan. Sa nasabing movie, gagampanan ni Pia ang role ng isang laos na agogo dancer.

Taong 1988 nang magsimula ang career ni Pia sa showbiz.

Balik-tanaw ni Pia: “Bago ako naging artista …  at saka wala akong balak mag-artista talaga kasi nagsu-show na ako, showgirl na ako at sanay na sanay na ako. Hindi ako nag-tray at hindi ako nag-expect na mag-artista – hindi,” sad niya.

“Nakita lang ako sa isang shooting, kinuha nila ako as extra and then nagustuhan nila ako tapos nagtuluy-tuloy na. Hindi kasi dumating ‘yung extra. Tapos naka-ganun, nanonood lang ako, walang makeup kasi magsu-show kami kasi gabi, ‘yun eh. Diba sa Timog usung-uso ang mga show diya,” dagdag niya.

Pagapatuloy pa niya: “‘Uy, eto, eto!’ ‘Ay, naku hindi puwede,’sabi koong ganun. ‘Hind ako puwede, star of the show ako!’ sabi ko pang gaun. Kasi ako talaga ‘yung maraming ginagawa non sa variety show — dancing, lifting, kung anu ano yan.”

ADVERTISEMENT

Sabi pa ni Pia, ang yumaong Fernando Poe Jr. daw ang naging daan para makapasok siya sa showbiz.

“Tapos sinama ako sa isang birthday party nando’n si Fernando Poe (FPJ) at nakita niya akong nagsasayaw. Tapos tumayo siya at pinalakpakan niya ako,” kuwento pa ni Pia.

Ilan sa mga naging leading man noon ni Pia sa pelikula ay sina Ramon Zamora, Ramon Revilla Sr. Redford White at marami pang iba.

Lahad ulit ni Pia: “Wala talaga akong balak mag-artista. Dumating lang siya because of my dancing at don talaga ako nakilala sa pagiging Ms. Body Language.”

Aminado si Pia na na-experience din niya ang ‘dark side’ ng pagiging artista tulad ng pagkakaroon ng sex scandal at pagkalulong sa drugs.

ADVERTISEMENT

“‘Yun ang mali ko na hindi ko dapat ginawa sa buhay ko. Siyempre, pinagsisishan ko ‘yun kasi nung time na ‘yun luka-luka pa ako.  Pero ano pang magagawa ko? Nagsisi na ko pero wala na rin naman akong magagawa. At siyempre, hindi ko na ‘yun uulitin at hindi na ‘yun mauulit sa buhay ko,” aniya.

“Nasangkot din ako diyan sa drugs. Dumaan din ako diyan pero nalampasan ko na ‘yun. Natapos ko na rin ‘yun, napagdaanan ko rin. Now, I’m okay, wala nang problema and I’m happy being single,” pagmamalaki pa niya.

Wala namang problema sa dating sikat na aktres na pa-support-support lang siya sa mga pelikula ngayon.

Aniya: “Okay lang, walang problema sa akin. It’s part of work. Kung anuman ang maging role ko walang problema sa akin basta ang importante may work. Hindi ko iniisip na dati leading lady ako, na sikat ko, hindi ganun. Basta para sa akin ang trabaho, trabaho,” katwiran ng original na Ms. Body Language ng showbiz.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.