Nora Aunor, nakiusap sa mga anak na mahalin at unawain si John Rendez | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nora Aunor, nakiusap sa mga anak na mahalin at unawain si John Rendez

Leo Bukas
Published May 22, 2023 04:08 PM PHT

Sa isang pambihirang pagkakataon kung saan sinalubong ng National Artist na si Nora Aunor ang kanyang 70th birthday kasama ang lahat ng kanyang mga anak, pinakiusapan ng Superstar ang mga ito na pairalin ang pagmahalan sa isa’t isa bilang magkakapamilya.

Ginanap ang advance birthday celebration ng birthday ng Superstar noong Sabado ng gabi, May 20, 2023 sa isang hotel sa Quezon City. Nitong May 21 naman ang kanyang actual birthday.

Present sa okasyon sina Ian de Leon, Matet de Leon, Lotlot at asawa nito, Kiko at Kenneth de Leon. Naroon din si John Rendez pero minabuting umalis kaagad at hindi na magpakita sa mga bisita ng aktres.

Sa isang video post sa FB ng kaibiga niyang Pilar Mateo ay na-capture nito ang mga naging pahayag ni Nora at pakiusap sa kanyang mga anak.

“Kung anuman ang mga nangyari noong araw, kalimutan na natin. Magmahalan tayong lahat. 'Yun lang ang hinihiling ko – pagkakaunawaan, walang siraan," aniya.

“Kung may marinig sa ibang tao huwag tayong maniniwala kaagad. Huwag tayong makiking hangga’t hindi natin nakakausap 'yung sinisiraan nilang tao,” pahayag pa niya.

Hangad din ng Superstar na maging magkakabati ang mga anak niya at si John.

“Ang wish ko lang talaga ay makitang magkakabati tayo. Alam naman natin ang totoo, di ba? Si John (Rendez), alam naman natin anong nangyari sa kanya, huwag na nating palalain kung ano ang mga sinasabi ng ibang tao," ani Ate Guy.

“Ang isipin natin ang nanay n’yo na hindi iniwanan nung tao ng ilang taon. Nawala kayong lahat, nagkaroon ng pamilya, ang natira si John. Kaya hindi puwedeng hindi ko ipagtanggol 'yung tao, eh. At gusto kong malaman n’yo 'yun… Mahalin natin, mahalin natin 'yun tao,” pakiusap pa ng Superstar.

Patuloy pa niya, “Kagaya niyan, nandito siya kanina pero hiyang-hiya. Hindi siya nagpakita nang husto dahil alam niyang nandito ang pamilya ko, ayaw niyang may masabi na naman ang tao sa kanya kaya hindi siya nagpakita nang matagal. Pero alam ko, sa puso niya, gusto niya kayong makausap.”

Muli ay iginiit ni Ate Guy na wala silang relasyon ni John.

“Gusto ko lang magmahalan tayo…. Wala naman kaming relasyon ni John. Nagkaroon lang ng… gusto ko lang malaman ng lahat na ipinagtatanggol ako nung tao hindi sa kung ano pa mang dahilan. Sana makita ko na magmahalan kayo," saad niya.

“Kasi ako naman matanda na ako, eh. Pasalamat nga ako sa kanya na hanggang ngayon nandiyan pa rin siya. 'Yun lang. Gusto ko lang malaman ng tao na intindihin natin siya, inuwain natin siya,” lahat ni Ate Guy.

Hiniling din niya na bigyan sana ng pagkakataon ang rapper-songwriter na maipakita ang talento nito.
Hiniling din niya na bigyan sana ng pagkakataon ang rapper-songwriter na maipakita ang talento nito.
ADVERTISEMENT
“Bigyan natin siya ng pagkakataon na ipakita naman niya 'yung talent na ibinigay ng Diyos sa kanya. Hindi niya maipakita, eh. Kasi pag-recording lumabas may nasasabi ang tao, eh. So, hayaan natin siya. Bigyan naman natin siya ng pagkakataon. Ilang taon na ba siya – 43 years old na siya at ganun na rin siya katagal sa bahay," ani niya.

“Wala kaming relasyon. Kasi minsan, ang tinatawag na relasyon, parang sinabi ko na pumapatol ako sa bata, di ba? Meron naman akong konsensya,” giit pa ng Superstar.

“Pasensya na po at ako’y hirap magsalita dahil hinihika ako pero alam n’yo po ang nasa puso ko, ang nasa isipan ko at 'yung mga sinasabi ko walang pagkukunwari. Mahal ko ang pamilya ko, ang fans, ang mga press, mga kaibigan – lahat. Maraming salamat po,” huling sabi ni Nora na halatang hirap sa kanyang pagsasalita.