Kantang ‘Walang Kapalit,’ tribute ni Rey Valera para sa mga beki | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kantang ‘Walang Kapalit,’ tribute ni Rey Valera para sa mga beki

Kantang ‘Walang Kapalit,’ tribute ni Rey Valera para sa mga beki

Leo Bukas

Clipboard

May isinulat na palang kanta  para sa mga beki o bading ang iconic singer-songwriter na si Rey Valera. Ito ay ang hit song na “Walang Kapalit” na ayon sa kanya ay ni-request ng yumaong host-actor na si Ike Lozada na isulat niya para sa mga bading.

Sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera ay may isang segment na inilaan bilang tribute ni Rey para sa mga beki. Ang naturang segment ay tinatampukan nina Gardo Verzosa na isang mapagmahal na bading kay Aljur Abrenica na isa namang stuntman na nagnanais sumikat sa showbiz.

Ang naturang movie ay isa sa walong official entries sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na gaganapin mula April 8 at tatagal hanggang 18, 2023.

Siguradong maraming bading ang makaka-relate sa istorya nina Gardo at Aljur at sa naging inspirasyon dito ni Rey Valera kung paano niya isinulat ang kanta.

ADVERTISEMENT

Trivia lang, parehong gumanap noon bilang Machete sina Gardo at Aljur sa kanilang film at TV projects.

Akmang-akma ang lyrics ng kanta sa mga nagmamahal na hindi naghahangad ng kapalit.

Tingnan ito sa ibaba:


Walang Kapalit


'Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay

Ng anumang kapalit sa inalay kong pag-ibig

Kulang man ang 'yong pagtingin

Ang lahat sa 'yo'y ibibigay kahit 'di mo man pinapansin

Huwag mangamba, hindi kita paghahanapan pa

Ng anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig

Sadyang ganito ang nagmamahal

'Di ka dapat mabahala, hinanakit sa 'ki'y walang-wala

At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon

Na ako ay mahalin mo rin

Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan

Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin…


Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Rey kay Direk Joven Tan na ginawang pelikula ang kanyang buhay at ang mga naging inspirasyon niya sa kanyang mga naging hit songs.

“Malaking bagay ito hindi lang sa akin. May statement na ginawa si Direk dito — na ang buhay ng isang nerd o isang introvert, pwede palang gawing pelikula,” aniya. 

ADVERTISEMENT

“Nung ginagawa ni direk ‘yung script, sabi ko, mayroong libro. At halos lahat naipakita sa pelikula. Hindi lang si Asiong Salonga o si Ben Tumbling,” dagdag pa niya.

”Kaya Direk, ang masasabi ko, thank you so much at napaka-intellectual ng movie na ito. Pag-uwi ko, saka ko na-realize ang hirap na ginawa mo para balansehin lahat. Hindi isang maliit na bagay. Hindi madali. Kaya dun ko na-appreciate lahat yon,” pahayag pa ng OPM legend.

Ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera ay mula sa Saranggola Media. Kasama rin sa cast ng pelikula na pinagbibidahan ni RK Bagatsing bilang Rey Valera sina Gelli de Belen, Christopher de Leon, Rosanna Roces, Lotlot de Leon, Rico Barrera, Josh de Guzman, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, at marami pang iba.

Bukod sa “Walang Kapalit” at “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” ilan pa sa mga Rey Valera hit songs na tampok sa pelikula ay ang Maging Sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Pangako, Ako Si Superman, Mr. DJ, Tayong Dalawa, Malayo Pa Ang Umaga at marami pang iba.

Ayon naman kay RK, ang mga kantang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at Tayong Dalawa ang ultimate favorite songs niya ni Rey Valera.

ADVERTISEMENT

Aniya: “Ako naman po kasi, kumbaga puwedeng sabihin na old soul. Kasi mahilig talaga ako sa classics, eh. Matagal na akong nakikinig ng mga ganun. Nasa playlist ko ‘yan,” ani RK.

"And ever since, growing up, ‘pag bumibisita kami sa lola ko … or pag Sunday, di ba, naririnig mo ‘yung mga classics? So naririnig ko iyan. And ngayon, simula nung ginawa ko yung pelikula ni Sir Rey, meron na akong playlist talaga sa Spotify. Pag nagmamaneho ako, kahit ano. Kasi lahat naman po ng mga kinanta ni Sir Rey ay natutugma sa mga pinagdadaanan mo ano man yun. So naka-ready iyan sa playlist ko,” dagdag pa niya.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.