Coco Martin, bakit nga ba nagtrabaho noon bilang janitor sa Canada? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin, bakit nga ba nagtrabaho noon bilang janitor sa Canada?

Coco Martin, bakit nga ba nagtrabaho noon bilang janitor sa Canada?

Paulea Jence Benoza

Clipboard

Binalikan ni Coco Martin ang kwento tungkol sa kanyang pagti-TNT sa Canada para magtrabaho bilang janitor at housekeeper matapos niyang pasukin ang pag-aartista.

Sa bagong vlog ng journalist na si Karen Davila, sinabi ng aktor na nagtrabaho siya sa Canada matapos niyang bumida sa indie film na Masahista kung saan siya unang nakilala noong 2005.

“Ilang bansa ang pinuntahan ko na lumaban kami sa mga festival [dahil doon sa pelikula]. Every time na lalaban kami sa mga festival — actually, kauna-unahang festival na nilabanan namin, nanalo agad kami. Doon pa lang nagpapaalam na ako sa producer tsaka sa director ko, kay Brillante Mendoza, na hindi na ako sasama pabalik. Kasi nga, hindi naman talaga pag-aartista ang gusto ko eh. Gusto ko mag-TNT. Gusto ko magtrabaho sa abroad,” ani Coco.

“Hindi nila ako pinayagan kasi hahanapin ako sa immigration eh. Syempre matatamaan ‘yung producer. Eh nanalo kami, inuto nila ako. Sabi nila, ‘Malay mo, manalo tayo, pag-uwi mo ng Pilipinas maging Piolo Pascual ka.’ [Pero] imbes na congratulations, ang [bungad] sa’kin intriga eh,” kwento niya. “Napaso na ako, ‘yung puro intriga. Sinisiraan ako. Sabi ko, ‘di ko ata kaya ‘yung mundo ng showbiz.”

ADVERTISEMENT

“Eh that time, ang dami pa naming festival na sinasalihan,” dagdag niya. “May laban kami sa Vancouver, sabi ko, sama ulit ako ah. Nagpa-visa lang ako. Kasi ayaw nila ako payagan eh. ‘Yun nakuha ko na ‘yung visa ko, sabi ko, ‘Hindi ako makakasama kasi may raket ako, sayang.’ Hindi nila alam, may kinausap na akong mga kamag-anak ko sa Alberta, Canada. Paglipad nila papuntang Vancouver, lumipad ako, ginamit ko ‘yung visa ko.”

Pagbabalik tanaw ni Coco, hindi naging madali ang naging buhay niya noon sa Canada. Dati nang sinabi ng aktor na halos isang taon siyang nagtrabaho noon sa Canada para may maipadala sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas.

“Nung andoon ako sa Canada, hindi pala siya parang Amerika na pwede kang mag-TNT. Nakapagtrabaho ako doon, pero may ibang tao na akala nung may-ari, sila ‘yung nagta-trabaho. Hindi nila alam ako. Kasi ang trabaho ko nun, 2 a.m. ng madaling araw hanggang 7 a.m. kaya tulog lahat,” kwento niya. 

Ipinaliwanag rin ng aktor kung bakit mas pinili niyang magtrabaho bilang janitor sa ibang bansa kahit pa isa na siyang ganap na artista dito sa Pilipinas. 

“Praktikal po siguro ako. Sabi ko nga, kahit ngayon po, ‘pag tinanong mo ako. Kaya po ako ganito kapursigido, talagang sinisipagan ko, kasi alam ko matatapos ‘to. Para pagdumating ‘yung panahon na ‘yun, alam ko ‘yung time ko, binigay ko ‘yung pinaka-best ko. Hindi ako nagtamad-tamaran, ‘di ko pinalampas ‘yung pagkakataon,” ani Coco, na bumibida ngayon sa bagong primetime teleserye na FPJ’s Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT

“Sabi ko, ang importante sa ‘kin ngayon is makapag-ipon, mai-settle ko nang maayos ‘yung pamilya ko. That’s it,” dagdag niya. “’Yung popularity, ‘yung pagiging artista, hindi ko inaano ‘yan kasi ang alam ko lang dito, ginagawa ko trabaho lang. Hindi ko siya dinidibdib, ninanamnam. Basta sabi ko magtatrabaho ako, dire-diretso.”

“Kaya hindi ako nagpapahinga eh. After ‘Probinsyano’ na 7 years, imbes na magbakasyon ako, nag-shooting ako sa Amerika. Kami ni Jodi (Sta. Maria) ng pelikula namin ng Metro Manila Film Fest. Kasi nanghihinayang ako, ano gagawin ko doon?” sabi pa niya. 

Samantala, hindi naman nakalusot si Coco sa pag-iintriga tungkol sa kanyang personal na buhay, kabilang na ang kanyang buhay pag-ibig. Natanong ang aktor — na matagal nang nauugnay sa kanyang leading lady na si Julia Montes — kung sa tingin niya ay sa kasalan din ba mauuwi ang kanyang relasyon.

“Dapat,” sagot niya.

Sa tanong kung kailan niya gustong magkaanak, sinabi ni Coco, “Ako naman po anytime.”

ADVERTISEMENT

“Kasi sabi ko nga, ang sa ‘kin kasi, gusto ko panatilihing pribado ‘yung buhay ko,” pagpapatuloy niya. “Kasi mahirap po ‘pag i-all out mo eh. Lahat pakikielaman. ‘Di ba parang sa isang magkasintahan, ‘pag nagliligawan kayo, ‘pag nagde-date pa lang kayo, gusto ng lahat magkatuluyan.

“‘Pag kayo na, ang dami ng opinyon. Hanggang sa magkasira kayo. Bakit ko hahayaan? Eh ito nga lang sa ginagalawan ko, ang gulo gulo na eh. Papapasukin ko pa sila sa personal na buhay ko?” sabi pa niya.\

Napapanood ngayon si Coco bilang si Tanggol sa FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.