Elizabeth Oropesa, inaming may anak sila ni Dante Rivero | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Elizabeth Oropesa, inaming may anak sila ni Dante Rivero

Paulea Jence Benoza
Published Nov 15, 2023 04:45 PM PHT

May naging pagbubunyag ang aktres na si Elizabeth Oropesa tungkol sa kanila ng aktor na si Dante Rivero.

Sa panayam ni Snooky Serna para sa kanyang vlog, inamin ni Elizabeth na mayroon silang isang anak ni Dante.

Ito ay matapos siyang tanungin ni Snooky kung itinuturing niya si Dante bilang isa sa kanyang "great loves."

“Of course. We have one child," pagbubunyag ni Elizabeth.
“Of course. We have one child," pagbubunyag ni Elizabeth.
ADVERTISEMENT
“Oh my goodness, ate. Nagulat ako," sagot ni Snooky.

Paliwanag ni Elizabeth, "Hindi lang ako kasi madaldal. Hindi naman kami… noong araw kasi hindi uso 'yun 'di ba. Wala namang social media, and you don't normally talk about your personal life before."

Sa ngayon ay mag-fo-40 years old na umano ang anak nila ni Dante.

Sa tanong kung nag-uusap pa rin sila ng aktor, sagot ni Elizabeth, "Yes. Friends kami. Walang problema at all."

Apat ang kilalang anak ni Elizabeth: si Henry, isang nurse; Genevieve o "Princess," na anak niya sa dating boyfriend na si Mark Roces; Gabriel, mula sa kanyang marriage sa Chinese martial artist na si Meng Fei; at si Louie, na kanyang adopted son.

Samantala, pito naman ang kilalang anak ni Dante. Ito ay sina Michael, JV, Danny Boy, Rosemarie, Dante Jr., Louisito, at Vangie.

"Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world," pahayag pa ni Elizabeth. "Siya lang, walang iba."

Taong 1975 nang unang nagkasama sina Elizabeth at Dante sa pelikulang Lumapit… Lumayo ang Umaga. Matapos nito ay nagkasama rin sila sa pelikulang Bulaklak Man Ay Lupa (1975), Malvarosa (1976), Mahingin vs Mahinhin (1981), at Milagros (1997).

Bukod kay Dante ay dati na ring na-link ang aktres sa action star na si Phillip Salvador.

Sa panayam ng PEP ay inamin ng aktres na nagkaroon sila ng relasyon ni Phillip na aniya ay muntik pang humantong sa pagtatanan.

“Hindi naman inaamin nun, pero nagkagulo nung nagtanan kami. Binawi ako," kwento ni Elizabeth.

"Si Kuya Leroy (kapatid ni Phillip) ang hinimatay-matay nun because of what happened. Pinaglayo kami, and si Kuya Leroy… palagi iyan nandiyan. Tuwing may nangyayari sa buhay ko, nandiyan siya," sabi niya. "Nanganak ako, may asawa ako, may lalaking bago, iyan ang nakakaalam."

Huling ikinasal si Elizabeth sa kanyang dating partner na si Joel Valdez, isang physical therapist, noong 2002 sa Eastern Samar.