Smokey Manaloto returns to host ‘Takeshi’s Castle’ after 30 years | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Smokey Manaloto returns to host ‘Takeshi’s Castle’ after 30 years

Smokey Manaloto returns to host ‘Takeshi’s Castle’ after 30 years

Rhea Manila Santos

Clipboard

As one of the original hosts of the local adaptation of the popular Japanese game show Takeshi’s Castle which originally ran from 1986 to 1990, Smokey Manaloto said he is happy to return as one of the hosts of the new Philippine reboot which starts streaming on Prime Video on November 16.

Smokey’s co-hosts include Eugene Domingo and Sassa Gurl.

“Ang nagpa-yes pa sa akin, bukod sa makakasama ko ang magagaling na si madam Uge tapos si Sassa Gurl, yung to be part of the legacy ng Takeshi’s Castle, na nandudun ako ng first version at ngayon na nandidito ako sa bagong version na mas pinaganda, mas pinasaya, mas nakakatawa at mas mamahalin ninyo. Kasi yung timpla nitong Takeshi’s Castle ng Prime Video ay inangkop talaga para sa mga Filipino.

“Isa pa sa nagpa-yes sa akin is makakasama sa production na ‘to is Project 8. At isa ito sa pinakamagandang experience ito is first time ko maksama sa programa ng Prime Video. So ang pinaka nakapagpa-yes sa akin ay makasama ko itong mga ito. That’s it,” he shared during the Takeshi’s Castle presscon held last November 8 in Quezon City. 

During the event, Smokey revealed his first reaction when offered to do the eight episode project.

“Natuwa ako na parang, ‘Ha? Iri-revive nila ang Takeshi’s Castle? 30 years nandito na ako, nandito pa rin ako sa Takeshi’s Castle pa rin!’ Pero nakakatuwa kasi being a host of Takeshi’s Castle before with Anjo Yllana, nag-te-taping kami ng Takeshi’s Castle noon sa isang news room na ganyan lang kalaki yung studio namin noon. Tapos isang camera lang nakatutok, ang set pa namin noon yung mga portable space. Tapos nakaupo lang kami ni Anjo doon at nagbabasa kami ng idiot board. Tapos meron lang maliit na monitor.

“Nagkukunwari kami na parang napapanuod namin. Hindi talaga namin napapanuod yun. Hindi kami kinukunan live yung reaction namin. Kumbaga, papanuorin sa amin ni tita Linggit (Tan) yung producer, director, script writer din namin dun eh. Papapnuorin niya sa amin yung footage tapos sabihin niya tandaan namin ito.

“Fast forward to thirty years after, eto na yung technology na napakasaya na sayang hindi pa namin nagawa noon. Tpaos ngayon capable na. Yung balak namin gawin noon, ngayon nagagawa na namin dahil din sa Project 8 productions. Kaya nagpapasalamat ako sa Project 8 at sa Prime Video kasi part ako ngayon ng bagong Takeshi’s Castle,” he said. 

ADVERTISEMENT

He admitted that during their shoot, there were many unforgettable moments of laughter and fun on their set.

“Bukod sa games, meron isang episode na muntik ng magkagulo-gulo sa set namin dahil yung game na pinanuod namin sobrang high energy, pagkatapos nun wala na kaming boses. Nagsisigawan kami sa kalagitnaan pero kasi sa sobrang saya. Ang hirap kasi i-describe nung atmosphere nung show namin. Para kang nasa isang baranggay, nung pumasok ka, nanuod ka, tapos lahat sila sabay sabay na nanunuod ng Takeshi’s Castle. Kahit kami nagulat din kami na ay ang ganda ng atake ng show na ito sa reboot ng Takeshi’s Castle. Na-experience ko yung previous na Takeshi’s Castle and ngayon, it’s very modern but at the same time andun pa rin yung essence ng fun na binibigay ng Takeshi’s Castle,” he explained. 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.