EXCLUSIVE: Raffa Castro gustong maging inspirasyon kay Baby Scott kaya papasukin na rin ang showbiz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EXCLUSIVE: Raffa Castro gustong maging inspirasyon kay Baby Scott kaya papasukin na rin ang showbiz

EXCLUSIVE: Raffa Castro gustong maging inspirasyon kay Baby Scott kaya papasukin na rin ang showbiz

Leo Bukas

Clipboard

Nagsimula bilang matalik na magkaibigan sina Raffa Castro at Joaquin Domagoso bago sila nagkaroon ng romantic involvement sa isa’t isa. Taliwas ito sa bintang ng mga bashers na easy-to-get si Raffa at produkto lang ng one-night stand ang kanilang unang baby ni Joaquin.

Si Raffa ay anak ng dating Star Magic actor at ngayon ay newscaster na si Diego Castro. Si Joaquin naman ay panganay na anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

Kuwento ni Raffa, “Matagal na kaming magkakilala ni Joaquin. Magsi-sixteen pa lang ako when I met him. Naging intimate na kami during our fifth year na magkakilala.

“Best friend talaga kami and we met through a mutual friend, and then ever since no’n naging close na kami. He’s the only guy na talagang nire-respect ako and parang andu’n parati for me,” kuwento ni Raffa kung paano sila nagkakilala ng live-in partner.

ADVERTISEMENT

Nilinaw din ni Raffa na hindi “one night stand” lang ang nangyari sa kanila ni Joaquin kung kaya nakabuo si Baby Scott na eight months-old na ngayon.

“No, hindi. Niligawan pa niya ako and siya yung best manliligaw ko ever,” pagdidiin niya.

Eh, ano ba ang reaksyon niya sa sinasabi ng iba na hindi sila bagay ni Joaquin?

“May times kasi na parang over board na sila and they are calling me words na hindi totoo. They don’t know me. Anything nga na yung mga post ko before is nothing like who I really am,” sabi pa niya.

Ano ba nag pinakamasakit na salitang sinabi against her nung panahong magkarelasyon na sila ni Joaquin?

ADVERTISEMENT

“Tinawag nila akong pokpok, ganun. Tapos hindi daw kami bagay kasi he’s younger, but he’s not younger, magka-age lang kami. Iniisip kasi nila mas younger si Joaquin kasi mas mature yung mga pino-post ko,” paglilinaw pa niya.

Ngayong may baby na si Raffa ay saka naman siya nagdesisyon na pasukin na rin ang showbiz at sundan ang yapak ng kanyang ama. Bakit nga ba ngayon lang niya ito naisip kung kailan may anak na siya?

Sagot ni Raffa, “Kasi before ang dami kong excuses na I have anxiety, pero meron naman talaga akong anxiety. And I didn’t think I was pretty enough. Pero after like hearing words from people na kaya ko, yung manager ni Joaquin at yung mga nami-meet ko, ang sabi nila, ‘Sayang ka, sayang. Habang bata ka pa.’

“But the main reason talaga is when I had my baby. Parang na-realize ko na I didn’t want to be an embarrassment sa kanya, na my mom is just hiding in anxiety, and yung mga opportunities sinayang niya.

“Gusto ko maging inspiring sa kanya kahit na mahirap pero gagawin mo pa rin. Yung anxiety ko kasi matagal na siya since bata pa ako,” katwiran niya.

ADVERTISEMENT

Ibinahagi rin sa PUSH ni Raffa na naka-experience siyang ma-bully noon.

“In school before, mag-a-absent pa ako sa sobrang lala ng anxiety ko. Of course si daddy nagtataka rin, eh, kasi I remember he would like scold me, eh,\ kasi nakita niya na I’m in my room.

“‘Bakit ka nasa room mo?’ Tapos pag chinat niya ang teacher ko, ‘Ano bang activities niyo today?’ sasabihin ng teacher ko, ‘we have recital today’ ‘ah, kaya pala.’

“I don’t know where it came from, I think bullying? Kasi I was bullied rin before in school. Kasi my lola, gifted din kasi ako with curvy body, so as a young kid na ganun na yung katawan they were saying na I was ‘slut’ or they say na nilalagyan ko ng padding kaya binu-bully nila ako.

“I can’t prove them wrong naman, so I just let them bully me na lang, to the point na I can’t talk to anyone in school na and I feel like everyone is laughing at me,” pagbabalik-tanaw ni Raffa.

ADVERTISEMENT

Bakit nga ba nila pansamantalang inilihim Joaqin na ang pagkakaroon nila ng baby?

Aniya, “That’s our choice talaga. Kasi yung sa amin, sa amin lang sana. Kasi we don’t want people na nakikisawsaw especially when it comes to our baby nga. We don’t want na madamay pa siya. So, we’re trying to keep him low key lang talaga.

“We’re open naman na, ‘yeah, may baby na kami.’ But we’re not gonna show the public. Relieve sa akin yon na I didn’t have to hide, yung pregnancy ko, ganun. Pero now that it’s out, parang we’re keeping it ano na lang to ourselves,” paliwanag ni Raffa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.