Esnyr Ranollo, may payo sa mga content creator | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Esnyr Ranollo, may payo sa mga content creator

Esnyr Ranollo, may payo sa mga content creator

Leah Bueno

Clipboard

Isang payo ang ibinahagi ng TikTok star at newbie actor na si Esnyr Ranollo sa mga taong nais ding maging isang matagumpay na content creator tulad niya.

"Do not stop creating content. This is so very cliche na sasabihin din ng ibang content creator but it's true. Do not stop on what keeps you going. Kasi ako dati, super nakaka-relate ako doon sa ano bang purpose na gagawa ka ng content tapos walang nanonood? Para saan 'to? But stick to your goal. Ako kasi my goal is every video na ire-release ko, wala po akong paki kung ilan 'yung manonood as long as I'm happy doing it," ani Esnyr sa pinakabagong episode ng PUSH Bets Live.

"May time din, may panahon din na darating para sa 'yo. Ako kasi, I waited for three years for this whole thing. I started content creating way back Grade 9, 2017, tapos hindi nag-boom," aniya. "Who would've thought na sa quarantine doon pala 'yung breakthrough ko? Your breakthrough will come soon, just keep on what's make you happy and be authentic at the same time."

Pagbabalik tanaw ni Esnyr, Pebrero noong nakaraang taon lamang nang simula siyang sumikat sa TikTok matapos na mag-post ng video kasama ang kanyang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT

"I started TikTok last year lang po... 'Yung first post ko po is February but with the friends po. Tapos unexpectedly, that video, parang nag-boost siya, nag-trend siya for the first hour. Nakakuha kami ng 100,000 viewers. Super happy na ako that time. Tapos ayun, from that video, naka-garner ako ng 2,000 followers," aniya.

"I started before, naalala ko pa, 'yung mga POVs ko ng Wattpad. Random POVs lang. Tapos I tried to experiment kung what content really fits me and kung saan talaga ako nagbabagay na branding. Unexpectedly, gumawa ako ng isang classroom content. For fun lang, kasi wala na akong ma-content. Parang mema lang 'yun dati. So from that mema content, nagustuhan ng mga tao. Kaya sabi ko, okay, I'll try my best to be consistent in posting school content if gusto nila. Tapos ayun, unexpectedly, surprisingly, nagustuhan ng mga tao 'yung mga ginagawa ko kaya kinareer ko na, pinush ko na talaga."

Pag-amin ni Esnyr, bilang isang content creator ay dumaranas din siya ng "creative block", kung saan nahihirapan siyang makaisip ng ideya para sa kanyang mga video.

"Opo, actually everyday. Before, last year on my content creating journey, hindi ko pa iniisip 'yun kasi ang dami ko pang pwedeng gawin. Pero right now, na halos lahat napakita ko na... Kasi dati every single day ako magpo-post ng content. Ngayon, tinatanong na ako ng mga tao kung bakit hindi na ako masyadong nagde-daily content. Isa rin 'yun sa factor, na nawawalan ako ng idea. And I really don't want to make a content na napipilitan lang ako. Gusto ko na from the heart talaga siya, na pati ako mismo nag-e-enjoy sa ginagawa kong content," aniya.

Gayunpaman, ayon kay Esnyr, ang suporta at pagmamahal na nakukuha niya mula sa kanyang mga tagahanga ang nagsisilbing inspirasyon niya upang magpatuloy na gumawa ng content at magpakalat ng good vibes sa karamihan.

ADVERTISEMENT

"It's the compliment that keeps me going po. Compliments from other people, being one of their inspirations. Nakakatanggap ako ng mga messages na isa ako sa rason kung bakit nagiging stable 'yung mental health nila. And also sa mga people na nagsa-suffer ng sadness, my videos, 'yun po 'yung nakakapag-movitate sa kanila," aniya.

"That's what keeps me happy. That is what keeps me motivated enough to do more content and to make other people as well. I believe that content creating is not just providing content but also a door of opportunity para makatulong ka to other people. To lend them a hand na there's still hope at the end of the day. And I'm super happy na ginawa akong instrument for them to be motivated and to fight lang din sa life."

Sa huli, ibinahagi ni Esnyr kung paano nabago ng pagiging isang TikTok star hindi lamang ang kanyang buhay kundi maging ang buhay ng kanyang pamilya.

"Content creating changed my whole life as a person. Hindi sa marami nang nakaka-recognize sa akin ngayon. It really changed me not just emotionally and physically, but also nakakatulong na ako sa family ko. 'Yun 'yung parang super thankful ako kasi I'm just not doing my passion, but I'm also helping my family. It really changed my life and also my family's life. Unti unti ko na po silang natutulungan and hopefully soon, mas malaki pa 'yung maitulong ko sa family ko kasi deserve nila after all the hard work and sacrifices and super support na binigay nila sa akin," aniya.

"Dati nga po, naalala ko, sila lang po mismo 'yung nanonood sa mga videos ko. Sila mismo 'yung nagshe-share, ini-Story ng Papa ko 'yung mga videos ko sa Facebook niya. Tapos ngayon po super happy na kasi hindi na lang sila 'yung nag-i-Story, hindi lang sila 'yung nakakanood at napapasaya ko."

ADVERTISEMENT

Panoorin ang kanyang buong panayam dito:

Ang PUSH Bets Liv! ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Mayroon na ring podcast version ang PUSH Bets Live! Mapapakinggan ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.