Multi-awarded actor Allen Dizon aminadong pressured sa 48 acting awards | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Multi-awarded actor Allen Dizon aminadong pressured sa 48 acting awards

Leo Bukas
Published Dec 22, 2022 01:27 PM PHT

Malaking pressure para kay Allen Dizon na kapareha ni Sunshine Cruz sa pelikulang An Affair to Forget ang magkaroon ng 48 local and international acting awards.

“Ako nga minsan nahihiya ako, parang masyado na ata silang nagi-expect sa akin, alam mo yon? Lahat na lang ng role na gagampanan ko dapat challenging, dapat ang role ko award-winning.

“Pero siyempre, hindi naman ganun palagi yon. Hindi ko rin iniisip na dapat gagalingan ko sa ganitong eksena kapag may pelikula ako. Kung ano lang yung instruction ng direktor yon din lang ang sinusunod ko.

“Kung ang kailangan niya ganito lang, hanggang do’n lang ako. Kasi sila naman yung higit na nakakaalam. May vision silang sinusunod at do’n lang din ako dumidepende,” paliwanag ni Allen.

Para din sa aktor, ang bawat role na ginagawa niya sa pelikula ay iniisip niya na para laging bagong simula.

“Actually, ngayon pa nga lang nagsi-sink in na ganon na ako katagal sa showbiz, na 25 years na pala ako. Pero ang pakiramdam ko, lagi pa rin akong nag-i-istart pagdating sa mga pelikula, pagdating sa mga teleserye.

“Pag-first day, may kaba pa rin, pag first day, kailangan ready ka sa role mo, sa character mo. So, same thing naman, wala namang pinagkaiba sa mga ginagawa ko before, sa mga ginagawa ko ngayon,” sabi pa ng aktor.

Ang An Affair To Forget ay masasabing comeback project ni Allen sa Viva na noon ay naging miyembrong grupong Viva Hotmen. Bakit nga ba niya tinanggap ang pelikula na sexy ang genre?

“Pag tumatanggap po ako ng project ang una ko po kinu consider ay yung story and script saka kung sino ang director. Honestly, nagandahan ako sa script at kuwento ng An Affair to Forget tapos si Direk Louie (Ignacio) pa ang director. So sino ba naman ako para tumanggi?

“Komportable na ako Kay Direk Louie at malaki ang tiwala ko na mae-execute niya nang maayos ang mga sensitibong eksena namin.

“Maayos naman yung pagkakagawa ng pelikula. Yung mga sexy scenes integral siya sa kuwento at parte sya ng istorya kaya hindi bastos na lumabas,” paliwanag pa ng Urian best actor.

Dugtong pa niya, “Actually, comeback project ko ito sa VIVA. I used to be a Viva artist at naging Viva Hotmen nung 2004. I was 26 years old nung time na yon.

“Bale 18 years ago na pala yon. Now Im 45 yrs old. Tuloy tuloy pa rin ako sa paggawa ng pelikula. Salamat sa Diyos.”

Hindi naman direktang inamin ni Allen kung may nagpaseksi rin siya sa Vivamax movie na katulad ng ginagawa niya dati.

“It’s for you to see. Kung meron man, sinisiguro ko na artistically done yon kahit erotic ang mga eksena. Kayak o pa rin namang gumagawa ng ganun pero ipaubaya na lang natin yon sa mga bata,” katwiran niya.

Mapapanood din si Allen sa mga pelikulang Walker, Pamilya Sa Dilim, Ligalig, at Abenida na nakatakdang ipalabas sa 2023. Streaming naman ang An Affair To Forget simula December 23 kung saan kasama rin sa cast sina Sunshine Cruz, Karl Aquino, at Angelica Cervantes.

Read More:
Angelica Cervantes
Allen
Karl Aquino
Sunshine Cruz
Urian
An Affair to Forget
Allen Dizon
An Affair To Forget
Direk Louie
Walker
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT