EXCLUSIVE: Allen Dizon talks about his struggles to find success in his acting career | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Allen Dizon talks about his struggles to find success in his acting career

Leo Bukas
Published Nov 18, 2022 11:40 PM PHT

Hindi naging madali para kay Allen Dizon na magkaroon ng pangalan sa showbiz and eventually ay maging award winning actor. Nagsimula siya bilang contestant ng male pageant na Ginoong Pilipinas noong 1997 pero hindi nanalo kaya nagdesisyon siyang magpaseksi na lang sa pelikula.

Inisa-isa ni Allen sa exclusive interview ng PUSH ang kanyang mga pinagdaanan na ayon sa kanya ay malaking bahagi ng kannyang tagumpay ngayon.

“Hindi ko nga ini-expect na makakapasok ako sa showbiz. After no’n nag-start akong gumawa ng mga pelikula sa Regal, pero hindi ko alam kung meron pa bang susunod? Kukunin pa ba ako? Or kailangan ko nang mag-focus sa pag-aaral ko and after awhile mag-a-abroad na lang ako.

“Kasi kumbaga, walang kasiguraduhan, eh. Kaya para sa akin yon yung lowest point ng career ko. Parang nag-i-struggle ako kung paano mabuhay, paano mag-survive,” pagre-recall ni Allen.

ADVERTISEMENT
Kuwento pa niya, “Tapos nag-start akong mag-modeling. And then, dumating yung time na marami na akong ginawang puro sexy films. After a while naging okey naman, so nakakatulong na ako sa pamilya ko. Napag-aral ko yung mga kapatid ko, nakapagtapos din ako.

“Tapos year 2002 pina-stop yung mga sexy films sa sine sa mga mall. So anong gagawin ko sa buhay ko, di ba? Eh, hindi pa uso yung mga serye-serye no’n, bihira lang makapasok. Pero meron ng MMK (Maalaala Mo Kaya) noon, mga pasundot-sundot na guesting pero walang pelikula.

“Sabi ko, ‘Ay wala nang mangyayari sa career dito.’ Siguro kailangan ko nang mag-decide kung mag-a-abroad na lang ako. Eh, uso no’n ang Japan-Japan. Sabi ko, try ko ngang mag-Japan muna. Gusto kong mag-Japan kasi malaki ang kikitain ko do’n pero hindi yon natuloy.”

Taong 2004 nang mapabilang at maging lider si Allen ng sikat na grupong Viva Hotmen na female counterpart ng Viva Hotbabes. Dito na raw siya nagsimulang makaipon at makapagnegosyo.

“So hindi na ako nag-Japan, hindi na ako nag-abroad muna. Nakiramdam ako for one year, two years, ganyan. So, bumukas na naman yung pinto.

“Gumanda yung career ko no’n, naka-ipon, nag-negosyo kahit pakonti-konti, nag-buy and sell ng sasakyan ganyan,” muli niyang pagbabalik-tanaw.

Ang biggest break na maituturing ni Allen sa pelikula kung saan napansin ang husay niya sa pag-arte ay ang Twilight Dancer na pinagbibidahan ng yumaong Tyrone Perez kasama si Cherry Pie Picache. Mula ito sa direksyon ni Mel Chionglo.

“Don ko naisip na kailangang seryosohin ko ang acting ko. Don din ako napansin at nanalong Best Supporting Actor sa Star Awards at Famas. Turning point yon para sa akin na dito na talaga ako sa showbiz. Kung may trabaho o wala, okey lang, kasi may negosyo naman and may fall back naman,” sabi pa niya.

Finally, nakawala na rin daw siya sa paggawa ng mga sexy roles na ayon naman sa kanya ay hindi niya pinagsisihan.

Sey ni Allen, “Pero walang regrets na ginawa ko yon. Yon yung trend no’n, eh, at stepping stone ko. Part yon ng naging career ko, eh. Hindi ko mararating yung narating ko ngayon kung hindi ako nag-start sa pagpapaseksi.

“Kung hindi ko ginawa yon baka wala rin ako sa showbiz at walang kukuha sa akin kasi hindi pa naman ako marunong umarte noon. Yung mga naging struggle ko sa buhay, sa showbiz, part yon ng journey ko, eh. Lahat ng mga downside na yan, mahalaga yon sa akin. Hindi ako magiging successful kung hindi ko yon napagdaanan. Kung hindi ko yon iniyakan.”

Pagkatapos ng Twilight Dancers ay nagsimula nang lalo pang seryosohin ni Allen ang pag-arte.

“Sabi ko sa manager ko na si Dennis Evangelista, pili tayo ng mga pelikulang mapapansin yung acting ko para seryosohin ako ng mga tao, seryosohin ako ng inudstriya.

“Kumbaga, hindi na lang pagpapaseksi ang gagawin ko. Nag-start na akong gumawa ng pelikula – Dukot, Sigwa, puro Direk Joel Lamangan na yung ginawa ko. Hanggang nakagawa pa ako ng maraming makabuluhang pelikula, nagkaroon ako ng best actor at sunod-sunod na rin yung international recognition ko,” pagbabahagi ng aktor.

Ilan sa mga notable films na ginawa ni Allen na nagbigay sa kanya ng mga best actor trophies ay ang Magkakabaung directed by Jason Paul Laxamana where he won 11 acting awards including the Gawad Urian noong 2014.

Nasundan ito ng Bomba (The Bomb) directed by Ralston Jover kung saan nanalo naman siya ng 10 acting awards including the A Lister Warsaw Film Festival in Poland.

Bumida rin si Allen sa Mindanao kasama si Judy Ann Santos mula sa direksyon ni Brillante Mendoza kung saan nanalo siya best actor sa Metro Manila Film Festival. He also won also 4 acting awards in that movie.

Sa kabuuan ay meron ng 48 acting awards si Allen.

“Alam mo, hindi ko na-imagine talaga na magkakaroon ako ng ganun kadaming awards,” buntong hininga niya. “Hindi ko in-expect kung how blessed I am na, kung paano ako binigyan ng talent ng Diyos at binigyan ng opportunity na maibahagi ko ito sa mga ginawa kong pelikula.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nasa akin pala yung mga awards na yon. Hindi ko kasi masyadong pinu-put in mind yung success. Basta ang alam ko laging may kulang pa sa akin—may kulang pa sa acting ko, sa career ko. Parang nag-i-start lang palagi,” bulalas ni Allen.

Sa kabila ng pagiging multi-awarded actor ay hindi naman naisyu si Allen na lumaki ang ulo o yumabang.

“Dapat nga mas maging humble ka pa rin. The more kasi na nagiging humble ka mas dumadami yung blessing kasi walang taong may galit sa ‘yo.” aniya.

Iginiit naman ng aktor na kahit 25 years na siya sa showbiz ay wala pa siyang planong magretiro.

“Hangga’t kaya ko pa sigurong mag-shooting, mag-taping ipagpapatuloy ko pa rin yung nasimulan ko and mamahalin ko pa rin yung trabaho ko as long as kayak o. Ayokong mag-end na lang ng basta-basta.

“Gusto kong tumatak kung paano naging artista si Allen, kung paano siya nakisama sa mga tao, kung paano tumatak sa mga tao yung acting na ginawa niya.

“Wala akong planong magretiro. Feeling ko the more na tumatanda ako mas minamahal ko lalo yung craft ko, yung industirya, lahat,” deklara niya.

May lima na pelikulang natapos si Allen na hindi pa naipapalabas. Ito ay ang Latay (Battered Husband) with Lovi Poe; AbeNida with Gina Pareño and Katrina Halili; Pamilya Sa Dilim kasama si Laurice Guillen; Ligalig na pinagbibidahan din ni Nora Aunor; at Oras de Peligro with Cherry Pie Picache.

Kasalukuyan niya namang tinatapos ang mga pelikulang An Affair To Forget with Sunshine Cruz at Acetalyne Love with Jaclyn Jose.

Happy 25th year anniversary sa showbiz, Allen!