Madam Inutz, umalis sa Star Image; nagulat nang malaman na ‘walang expiration’ ang kanyang kontrata | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Madam Inutz, umalis sa Star Image; nagulat nang malaman na ‘walang expiration’ ang kanyang kontrata

Madam Inutz, umalis sa Star Image; nagulat nang malaman na ‘walang expiration’ ang kanyang kontrata

Push Team

Clipboard

Umalis si Daisy Cabantog o mas kilala bilang Madam Inutz sa kanyang talent agency na Star Image Artist Management makalipas lamang ang tatlong araw mula nang pumirma ito ng kontrata.

Sa isang Facebook live video, ipinaliwanag ni Madam Inutz ang kanyang biglaang pag-alis sa nasabing ahensya.

Ani Madam Inutz, umalis siya kasunod nang pagkonsulta niya sa kanyang mga kamag-anak at tagasuporta kaugnay sa kanyang naging desisyon.

“Ito na nga nakita niyo naman si Inutz na pumirma sa Star Image nang biglaan nang hindi kumokonsulta. Mahirap kasi ipaliwanag sa part ko ‘yung mabilisang pangyayari,” ani Madam Inutz.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa nito, lumapit siya sa kanyang abogado kung saan nalaman niya na wala umanong expiration ang kanyang kontrata sa kabila nang kanilang napagkasundang apat na taong deal.

Panoorin ang video sa ibaba:

Gayunpaman, sinigurado ni Madam Inutz sa kanyang mga tagahanga na hindi nito bibitawan ang kanyang pagbebenta ng ukay-ukay.

Ilan lamang sina Buknoy Glamurrr at Xander Ford sa mga kilalang personalidad na naging bahagi ng nasabing management agency.

Samantala, nakilala naman si Madam Inutz sa kanyang mga pagbebenta ng mga damit online na kinaaaliwan hanggang ngayon ng mga netizens.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.