PANOORIN: Julia Barretto, ipinaliwanag ang muntikang pagtalikod sa apelyidong Baldivia | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Julia Barretto, ipinaliwanag ang muntikang pagtalikod sa apelyidong Baldivia

PANOORIN: Julia Barretto, ipinaliwanag ang muntikang pagtalikod sa apelyidong Baldivia

PUSH TEAM

Clipboard

Naging bukas sa isa’t-isa ang mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto tungkol sa kanilang pinagdaanan noon kabilang na ang isyu na kung saan sinubukang tanggalin nina Julia ang apelyidong Baldivia.

Sa vlog na inilabas ni Julia kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon bilang mag-ama.

Dito, tinanong ni Julia ang kanyang ama kung ano ang babaguhin nito sa kanyang sarili bilang ama sakaling bigyan siya ng pagkakataon na ibalik ang nakaraan.

“I should listen first. I shouldn’t have given my opinion first. Kumbaga, ‘Dennis, ‘wag ka muna makialam. Alamin mo mung ‘yung puno’t dulo. Bakit hindi mo muna tanungin si Julia,’” saad ni Dennis.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya: “Gusto ko naman gano’n ‘yung mangyari, kaya lang hindi ako makapag-communicate sa inyo. Kasi every time magte-text ako, wala akong makukuhang feedback at all. I would text and wala, deadma lang. Minsan tatlo o apat na araw na, wala.”

Hindi naman napigilan ni Dennis na maglabas ng ginawa noon ng kanyang mga anak kung saan sinubukan nilang dalhin sa korte ang isyu na ligal na bitawan ang apelyidong Baldivia.

“Remember that issue na tinatanggal niyo ‘yung family name ko? ‘Di ba you went to court to take off my family name? That was a dagger, hindi lang dahil sa pangalanan ‘yun, ah? That’s my blood, kaya masakit ‘yun. Kumbaga, ano pa ba gusto niyo? Barretto na nga dala mo sa screen, eh. You are already well-known as a Barretto, ba’t tatanggalin niyo pa ‘yung apelyido ko, masakit sa akin ‘yun.”

Bagama’t sinubukan niyang lumapit sa kanyang mga anak noon, inamin ni Dennis na hindi niya ito maintidihan lalo pa’t mas kilala na si Julia sa apelyidong Barretto noon.

“Hindi ko maintindihan bakit kailangan ipatanggal. Makakabawas ba ‘to sa pagkatao mo? No. Makakabawas ba ‘to sa popularity mo? No,” ani Dennis.

ADVERTISEMENT

Paliwanag naman ni Julia, ang desisyong ito ay nagmula sa isyu ng null and void na kasal nina Dennis at Marjorie na maaaring maging dahilan ng pagiging illegitimate children nina Julia, Claudia, at Leon.

“I think at that time, well ‘cause you already made kwento naman about the story of your marriage with mom being null and void, because you didn’t know anymore what you were signing. We were in that phase where we trying to correct your mistake,” saad ni Julia.

Ipinaliwanag naman ni Julia kung bakit nahirapan siyang makipag-usap sa kanyang ama noong mga panahong iyon.

“But, Pa, you also said you were trying to message, I think ‘yung mga panahong ‘yun, you said you would try to message and wala ka na maririnig na response, I think it’s because ‘yung mga history ng misunderstandings natin is magte-text ka lang, ‘pag may nasaktan na,” saad ni Julia.

“So parang ‘pag nag-text ka na, alam mo ‘yung nasaktan na ‘ko, eh. Nagawa na ‘yung action bago pa nakapag-usap ng maayos. So I think everybody was coming from a painful place,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Ang takot na dulot naman umano ng mga panahong iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit labis silang nasaktan.

“That’s why you couldn’t hear from us, because at that point, we were already in pain. We were already too scared of you. I wish you would also recognize or acknowledge the fact that, ‘Okay, maybe I may have done something that would scare my kids off,’” ani Julia.

Ani pa ni Julia: “Before we would speak on the phone, you know this, Pa, you wouldn’t have the best tone or the best choice of words. If I’m being honest, I’m gonna talk for myself, not for my other siblings, of course, that scarred me. Of course, that traumatized me. Of course, that scared me.”

Bagama’t ganoon ang nangyari, inamin naman ni Julia na hindi siya sumuko sa relasyon nila bilang mag-ama.

“I hope you also notice, even despite those painful words and actions, I still fought hard to keep a certain relationship with you. I didn’t ever give up on our relationship. If I had given up, we wouldn’t be talking right now.”

ADVERTISEMENT

Dagdag pa nito: “I understand your frustrations that nobody was talking to you, but you have to look why we weren’t talking to you. Why we were so scared to talk to you. You have to understand there was so much pain. There was so much fear.”

Panoorin ang vlog sa ibaba:

Samantala, sinabi naman nina Dennis at Julia na lahat ng iyon ay dapat ng iwanan sa nakaraan lalo pa’t nakita umano ng huli ang pagbabago sa kanyang ama.

“All is well and forgiven now. I’m so glad you have a good relationship with me, with Clau, with Leon, and with all your kids now. I am so proud of you, because I saw your change after your journey with COVID,” ani Julia.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.