Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana hiwalay na | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana hiwalay na

Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana hiwalay na

Leo Bukas

Clipboard

Hiwalay na ang TV5 executive and film producer na si Perci Intalan at ang award-winning director na si Jun Lana.

Ipinost ni Direk Jun sa kanyang Instagram account ang naturang balita pero burado na rin ito ngayon. Labis namang ikinalungkot ng mga kaibigan ng ex-couple sa showbiz industry ang pangyayari.

Direk Perci Intalan, Direk Jun Lana, breakup statement

“Hi guys. Perci and I have decided to part ways amicably,” simulang bahagi ng post ni Direk Jun.

Wini-wish pa rin ng ex-couple ang para sa kabutihan ng isa’t isa at nangangakong pareho pa rin nilang gagampanan ang pagiging parents sa kanilang adopted children.

ADVERTISEMENT

Aniya, “We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children and business partners for our company.”

Nagpasalamat din ang dalawa sa pang-unawa at suporta ng kanilang mga kaibigan at nag-request ng privacy.

“We request for privacy as we navigate this transition. Thank you all for your understanding and support,” lahad pa niya.

Ginanap ang same-sex marriage ng dalawa noong October 14, 2013 sa Bethesda Fountain, Central Park, sa New York. Tumagal din ng halos walong taon ang relasyon ng dalawa bago sila nagdesisyong maghiwalay.

Business partners sina Perci at Jun ng IdeaFirst Company na producer ng mga pelikulang Die Beautiful, Born Beautiful, The Panti Sisters, at ng upcoming 2021 Metro Manila Film Festival movie na Big Night starring Christian Bables.

Sina Perci at Jun din ang producer ng hit BL series na Game Boys na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.