Chie Filomeno, inaming nakaka-chat na si Kyle Echarri bago pumasok ng ‘PBB’: ’Super sweet talaga siya’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Chie Filomeno, inaming nakaka-chat na si Kyle Echarri bago pumasok ng ‘PBB’: ’Super sweet talaga siya’

Pao Apostol
Published Nov 30, 2021 03:20 AM PHT

Inamin ng dating Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si Chie Filomeno na nakakausap niya na si Kyle Echarri bago pa man sila pumasok ng Bahay ni Kuya.

Sa panayam ni Chie kay Bianca Gonzalez sa programang Cinema News, ibinahagi nito na nagulat siya na nakabuo ng love team ang kanilang mga tagahanga ni Kyle sa labas.

“Nakita ko nga na sobrang dami ng fan videos. And parang may nabuo na ‘KyChie’ dito sa labas,” pagbabahagi ni Chie.

Ibinahagi naman ni Chie na nagkatrabaho na sila noon ni Kyle ngunit hindi pa sila nagkakasama ng personal.
Ibinahagi naman ni Chie na nagkatrabaho na sila noon ni Kyle ngunit hindi pa sila nagkakasama ng personal.
ADVERTISEMENT
“Never pa po talaga kami nag-meet outside. Nakapagtrabaho kami pero Zoom. At boses ko lang po ‘yung ginamit du’n sa series … sa Click, Like, and Share. Sa ASAP, hi-hello lang po,” aniya.

Gayunpaman, nag-uusap na umano sina Kyle at Chie sa private Instagram messages ng aktres kung saan madalang niyang pinopost ang hindi nakikita ng publiko.

“And ‘yung pinag-uusapan po namin sa loob. Finsta. Private Instagram po. Doon ko po pino-post ‘yung mga like hindi ko ma-post sa public account. Ito ‘yung very personal lang,” aniya.

Dagdag pa ni Chie, noon pa man ay sweet na umano si Kyle at nagpapakita ng suporta palagi sa kanya.

“And then, mag-memessage po siya na ‘You got this, Chie!’ As in super sweet talaga siya na andiyan siya for me kahit hindi pa po kami magkakilala at all or nakakapag-hangout sa labas,” aniya.

Ito umano ang isa sa mga dahilan kung bakit naging magaan ang loob niya kay Kyle, dagdag pa ni Chie.

“Parang naging madali lang makapag-open up sa kanya kasi outside palang, very welcoming na siya.

Dito, inamin din ni Chie na may mga mensahe si Kyle na hindi pinapansin dahil ma-ere ang tingin niya dito — dahilan para tawagin siya ng huli na “snobby.”

Ibinahagi din ni Chie na tinanong siya ng kanyang nanay kung ano ang namamagitan sa kanila ni Kyle paglabas niya ng bahay.

“Sabi niya ‘Nak, ano’ng meron?’ Gumanon siya. As a mother that she is, ganon talaga ‘yung tanong niya. And sabi ko si Kyle talaga like ‘yung parang naging confidant ko na din talaga sa loob,” sambit niya.

Matatandaang bumuhos ang luha ni Kyle nang lumabas si Chie ng Bahay ni Kuya.

Sa kabila ng kaliwa’t-kanang pambabash na natanggap ni Chie dahil sa closeness nila ni Kyle, sinabi niya na nirerespeto niya ang mag KyCine fans o fans ng love team nina Kyle at Francine Diaz.

“I really respect din ‘yung love team ni Kyle na KyCine. Pero ‘yung sa amin kasi ni Kyle, hindi ko siya masasabing love team. It’s a special bond that we have na kami lang nasa loob ang makakaintindi also,” saad niya.

Dagdag pa niya: “Nirerespeto ko po ‘yung nararamdaman ng fans ni Kyle also.”