‘Sino ba si Big Brother?’: Laurenti Dyogi muling nilinaw ang tanong ng madlang pipol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Sino ba si Big Brother?’: Laurenti Dyogi muling nilinaw ang tanong ng madlang pipol

‘Sino ba si Big Brother?’: Laurenti Dyogi muling nilinaw ang tanong ng madlang pipol

Kiko Escuadro

Clipboard

Sa muling pag-arangkada ng bagong season ng Pinoy Big Brother celebrity edition, may paglilinaw muli ang ibinahagi ng direktor nito at Star Magic head na si Laurenti Dyogi sa mga manonood.

Sa bahagi ng exclusive interview ni Toni Gonzaga sa kaniyang YouTube channel, sinabi ni Direk Lauren na marami pa rin sa audience ang naniniwala na siya mismo si “Big Brother” sa likod ng boses na napapakinggan gabi-gabi sa confession room.

“I’ve denied it,” sambit ni Direk Lauren sa bahagi ng panayam ni Toni Gonzaga. Patuloy pa ni Direk Lauren: “People will believed people will not believe.”

Ayon pa kay Direk Lauren, dahil na rin sa kaniyang pinagdaanan bilang bahagi ng programa kaya naniniwala ang maraming tao na siya si “Big Brother”.

ADVERTISEMENT

“I think the essence and I think the imprint I’ve left in the beginnings of - big brother, because I was the one. Pag may kontrobersya, ako ‘yung haharap, tapos I think Kuya is a good mimic, my intonation, my inflection because in the beginning, I was the one in control. So malaki po talaga ‘yung parte ng pagkatao ko na napupunta kay Kuya, at napupunta roon sia programa because I was the one in control,” ani Direktor.

Dala na rin ng malaking impact sa karera ni Direk Lauren ng iba’t ibang season ng Pinoy Big Brother hindi itinanggi ng direktor at Star Magic head ngayon na iba ang kaniyang naging pagmamahal sa programa.

“And at that time, It was really my baby. It was really what I breathe day in day out. There were countless Christmases that I would try to complain to the management na, ‘Bakit kami na lang po ang nagta-trabaho ng pasko?’” masayang paliwanag ni Direk Lauren.

Kasama ng kaniyang pagmamahal sa programa ang pagsaludo sa kaniyang mga kasamahan na staff at mga hosts na todo rin ang maging sakripisyo para sa programa.

“Ang tindi rin nga mga host ko, hindi rin sila maka angal din sa akin. I mean kasi lahat kami. So ang laki rin po nung 15 years by big brother, 16 na ata ngayon, 2005 di ba? So we’re on our 16th year ang laki rin po talaga nang pinag samahan namin talagang literally we were living together…. talagang Toni will stay up late, talagang those were though times na controversies talagang ‘Wow!’ I think yun din ang nakatulong sa popularity ng Big Brother, because we knew how to handle controversies,” pahayag ng direktor.

Sa ngayon, gabi gabi pa rin napapanood ang “Pinoy Big Brother” sa iba’t ibang platforms mg ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.