Michael Pacquiao, ikinuwento ang ginagawa tuwing nakakabasa ng mga masasamang komento tungkol sa kanya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Michael Pacquiao, ikinuwento ang ginagawa tuwing nakakabasa ng mga masasamang komento tungkol sa kanya

PUSH TEAM
Published Aug 24, 2020 11:26 PM PHT

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang anak nina Manny at Jinkee Pacquaio na si Michael sa kanyang tinatamasang tagumpay sa larangan ng pagra-rap.

Sa panayam ni Michael sa anchor at TV host na si Korina Sanchez sa bago nitong online show na Rated Korina, inamin ni Michael na ang pangarap niya noon ay tahakin ang isang propesyonal na karera sa paglalaro ng basketball.

Kaya naman ikinagulat umano ni Michael nang bigla siyang sumikat dahil sa kanyang angking galing sa pagra-rap.

“Ever since I wanted to be a professional basketball player. I didn’t expect to go this far. I didn’t expect it to blow up and I will reach this far,” ani Michael said.

Dito ikinuwento niya rin kung ano ang ginagawa niya tuwing nakakabasa siya ng mga masasakit na komento tungkol sa kanya.

Ayon kay Michael, mas pinipili niyang daanan lang ang mga nababasang mensahe at huwag nang pansinin ang mga bashers.

“I read them. I read some of them. I read the ones that I see. I don’t actually try to find the comments. I just like scroll and when I see something that’s about me I’m like ‘woah it’s me’ and then I just like see some comments. But I don’t like really reply,” saad ni Michael.

Dagdag pa niya: “No comment na lang.”
Dagdag pa niya: “No comment na lang.”
Nang hingan ng mensahe para sa kanyang mga taga-suporta, hindi rin naiwasan ni Michael na magbigay ng mensahe para sa kanyang mga bashers na aniya’y nagpapakita din ng suporta dahil sa kanilang pakikinig sa kanyang mga kanta.

“Salamat sa suporta. Thank you for supporting. Sa mga bashers din, thank you for supporting. At least you listen to it din,” saad ni Michael.

Bagama’t lalo pang umarangkada ang kanyang karera matapos ilabas ang kanyang album na Dreams, hindi naman umano pinapabayaan ni Michael ang kanyang pag-aaral.

“I’m in college na. First year. I just started,” kuwento ni Michael. “It’s hard ‘cause there’s like so many assignments. Like you have to do a lot of work,” sabi pa niya nang tanungin tungkol sa pagsasagawa ng online class.

Panoorin ang panayam ni Korina kay Michael sa ibaba:

Kahit na may mga namba-bash kay Michael, marami din ang sumusuporta sa kanya gaya nina Chito Miranda at Frankie Pangilinan.

Si Michael ay isa lamang sa limang anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.