PANOORIN: ‘Yorme’ Isko Moreno inikot si Korina Sanchez sa loob ng Manila City Hall | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: ‘Yorme’ Isko Moreno inikot si Korina Sanchez sa loob ng Manila City Hall

PANOORIN: ‘Yorme’ Isko Moreno inikot si Korina Sanchez sa loob ng Manila City Hall

PUSH TEAM

Clipboard

Bago maganap ang pandemya, nagkaroon ng pagkakataon si Korina Sanchez na makapanayam ang dating artista at ngayo’y hinahangaang pulitiko na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Maliban sa kanyang opisina, oval office, at bulwagan, ipinasilip din ni Yorme kay Korina ang payak na silid kung saan siya nagpapahinga sa loob ng Manila City Hall.

Noong una ay hindi umano makapaniwala si Korina halos pagiging perpekto Isko Moreno base sa rin sa sinasabi ng mga tao tungkol kanya. Ngunit mas lubusan niya itong nakilala nang makasama niya ito at napahanga na lamang siya sa tinatawag ng mga taga-Maynila na “Yorme.”

“So much news about him. After the elections, he became Man of the Hour. Napakaraming balita tungkol kay Isko Moreno. Isa siyang artista na nag pulitiko na hindi inakala ng marami na sisikat nang husto ang bituin sa larangan ng public service,” saad ni Korina sa kanyang vlog.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya: “Medyo diskumpyado ako nang una ko siyang ininterview. Could all good things said about Mayor Isko or YorMe as they call him be for real? Have to say: I was taken and impressed.”

https://www.instagram.com/p/CDQ8_sEF2wS/

Dito, napag-usapan din kung paano nadiskubre si Yorme noong ‘90s bilang artista at pinanood ang isang video na kinunan sa isang lamay.

Para kay Isko, tanggap niya na umano na may masasabi at masasabi talaga ang mga tao. Ngunit para sa kanya, kailangan lang talagang maging matatag at pagtigbayan ang paniniwala sa Diyos.

“Hindi mo naman mapipigilan na mag-isip ng masama laban sa’yo. Ang importante, if they do it, just be strong and try to cope with the challenges and believe in God,” ani Isko.

ADVERTISEMENT

Panoorin ang video sa ibaba:

Ang Rated Korina ang bagong online show ni Korina Sanchez na kahalintulad ng kanyang Sunday magazine show na Rated K.

Matatandaang tuluyan nang nawala sa ere ang Rated K dahil sa pagsasara ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.