John Regala, kinumpirmang mayroon siyang liver cirrhosis; sinabing itinakwil na ng mga kamag-anak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

John Regala, kinumpirmang mayroon siyang liver cirrhosis; sinabing itinakwil na ng mga kamag-anak

John Regala, kinumpirmang mayroon siyang liver cirrhosis; sinabing itinakwil na ng mga kamag-anak

PUSH TEAM

Clipboard

Hindi maikakaila na isa sa pinakakilalang kontrabida sa larangan ng pag-arte se pelikula at telebisyong ang beteranong aktor na si John Regala.

Kaya naman nang mag-viral ang kanyang mga litrato kung saan tinulungan siya ng isang delivery guy ay biglang bumuhos ang simpatya ng sambayanan para sa kanya.

Ngunit ano nga ba ang nangyari kay John?

Sa isang panyam sa DZRH, kinumpirma ni John na siya ay may liver cirrhosis ngunit agad naman nitong nilinaw na hindi siya umiinom ng alak at sinabing marahil ay dahil ito sa hilig niyang kumain ng matatabang pagkain.

ADVERTISEMENT

“Medyo malala na ang aking liver cirrhosis pero hindi naman ako nainom ng alak ever since. Di ko alam baka sa fatty foods ko nakuha siguro,” ani John.

Dagdag pa ni John, may tubig na umano ang kanyang tiyan — isang kondisyon na tinatawag na ascites na epekto ng pagkakaroon ng liver cirrhosis.

“Tapos bukod dun, may tubig nga ako sa tiyan, kailangan butasin ang aking tiyan para mailabas yung tubig,” dagdag ni John.

Ibinunyag ni John na madalas siyang sumusuka ng dugo sanhi umano ng mga varicose veins sa kanyang sikmura.

“At isa pa, yung aking sikmura ay may mga varicose [veins] na. ‘Pag pumutok ‘yun, ako ay sumusuka ng dugo. Sinusuka ko ‘yung mga kinakain,” saad ni John.

ADVERTISEMENT

Inamin din ng dating aktor na mag-isa na lang siya ngayon dahil wala na siyang kamag-anak na nalalapitan. Matatandaang namatay ang ina ni John nitong taon lamang.

“Wala na rin akong mga kamag-anak. Magmula nung mamatay yung nanay, tinakwil na rin ako ng mga kamag-anak ko,” saad niya.

Samantala, ibinahagi naman ni John na nagpaabot ng tulong ang ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz gaya nina Joseph Estrada at Rez Cortez.

Sa ngayon, umaasa si John na mabibigyan muli siya ng pagkakataon na makabalik sa showbiz.

“Di ako sanay na nanghihingi. Sanay akong tumulong. Eh ngayon, gusto kong mag-hanapbuhay," aniya.

ADVERTISEMENT

Ayong sa isang medical website, ang cirrhosis ay sanhi ng iba’t-ibang karamdaman na may kaugnayan sa atay kabilang na ang hepatitis at labis na pag-inom.

JOHN REGALA BILANG AKTOR

Unang pinasok ni John Regala ang mundo ng showbiz sa kalagitnaan ng dekada otsenta at naging parte ng That’s Entertainment.

Mas nakilala naman siya bilang isa sa mga “Bad Boys” sa pelikula at telebisyon dahil sa kanyang mga hindi malilimutang karakter bilang isang kontrabida.

Naging bahagi na siya ng iba’t-ibang maaaksyung pelikula ng VIVA at Seiko Films simula noong ‘80s. Tumatak din ang kanyang karakter sa The Vizconde Masscacre: God Help Us kung saan gumanap siya bilang rapist-killer sa nasabing pelikula na pinagbidahan ni Kris Aquino.

Taong 2011, nasungkit ni John ang Best Supporting Actor Award para sa kanyang karakter sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

ADVERTISEMENT

Naging parte din si John ng iba’t-ibang telserye sa ABS-CBN gaya ng Mga Anghel Na Walang Langit, Ina, Kapatid, Anak, Juan dela Cruz, Dyesebel, Hawak Kamay, at FPJ’s Ang Probinsyano.

Noong taong 2017, natagpuang nakahilata sa labas ng isang supermarket si John. Bagama’t kinumpirma nito na siya ang taong nasa litrato, pinabulaanan niya ang usap-usapan stroke ang naging sanhi ng nasabing insidente.

Si John ay anak ng mga dating aktor at aktres na sina Mel Francisco at Ruby Regala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.