YouTuber na si Mika Salamanca, ipinaliwanag ang pagkakaaresto sa Hawaii | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

YouTuber na si Mika Salamanca, ipinaliwanag ang pagkakaaresto sa Hawaii

YouTuber na si Mika Salamanca, ipinaliwanag ang pagkakaaresto sa Hawaii

PUSH TEAM

Clipboard

Inaresto sa Hawaii ang sikat na Pinay YouTuber na si Mika Salamanca matapos hulihin dahil sa umano’y hindi pagsunod sa quarantine rules.

Ito ay matapos umano siyang mag-post sa TikTok ng isang video kung saan makikita siyang sumasayaw sa isang bilihan halip na manatili sa kaniyang bahay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa ulat ng Honolulu news station na KITV, ang paghuli kay Mika ay kasunod ng kanyang paglabag sa mandatory 14-day quarantine rule ng Hawaii.

Sa kanyang YouTube vlog, dinepensahan ni Mika ang naging paghuli sa kanya at sinabing mismong mga law enforcers ang nagsabi sa kanya na pwede siyang lumabas kung sakaling mag-negatibo siya sa COVID-19 test.

ADVERTISEMENT

“Gusto ko lang po mag-explain tungkol sa kumakalat na isyu sa Twitter and sa Facebook. Aware po ako. Nakikita ko po ‘yung mga rants niyo and nakikita ko po ‘yung mga comments niyo. Gusto ko po mag-sorry sa lahat ng misunderstanding and sa lahat ng maling nakikita niyo sa internet. Inaamin ko po na nagkamali ako noong time na dumating po ako dito sa Hawaii and agad po kaming lumabas,” ani Mika.

As far as I can remember, na-settle na po namin ‘yun. Meron pong mga nagcomplain at nagreport about du’n. So ‘yung mga law enforcer po pinuntahan po nila ako dito sa bahay kung saan ako nag-quaquaratine. Sila po mismo ‘yung nagsabi sa akin na ‘You’re not in trouble. If you’re negative, you can go out which is sa lahat ng test na kinuha ko, negative po ako,” dagdag pa niya.

Pagpapatuloy pa ni Mika: “So after po nilang pumunta sa bahay, kinabukasan pumunta na po kami ng hospital para mag-take ng swab test and ‘yung nakuha po naming result din is negative din. Sorry po. Wala po akong na-spread na virus. Kahit po sinabi ng mga law enforcers na you can go out pag negative ka, nag-stay pa din po ako sa bahay for fourteen days at tinapos ko po ‘yung quarantine ko.”

Ayon kay Mika, dumating raw siya sa Hawaii noong Hulyo 6 at lumabas ng kaniyang bahay noon Hulyo 20.

Panoorin ang video sa ibaba:

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mika, naayos na umano niya ang kanyang kinasangkutang gusot at nagbayad ng $2,000 na piyansa.

alungat sa sinabi ni Mika, sinabi sa ulat ng KITV na pinabulaanan daw ng mga nag-iimbestiga sa kaso ang kanyang pahayag.

Mayroon 2.3 million subscribers si Mika sa YouTube at kilala sa paggawa ng iba’t-ibang klase ng content gaya ng mga challenges.

Read More:

Mika Salamanca

|

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.