Angel Locsin, ginamit ang social media influence para makapagsalba ng buhay | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angel Locsin, ginamit ang social media influence para makapagsalba ng buhay

Angel Locsin, ginamit ang social media influence para makapagsalba ng buhay

PUSH TEAM

Clipboard

Todo sa pag-repost ang aktres na si Angel Locsin ng mga social media posts ng ating mga kababayan na na-stranded sa kanilang mga tahanan.

Kasunod ito ng storm signal number 4 sa Metro Manila na dahilan ng pagbaha sa mabababang lugar sa Marikina at ilang karatig bayan nito.

Sa isang Facebook post rin ni Angel, inihayag niya ang pag gamit ng kaniyang social media influence para maipaabot sa kinauukulan ang paghingi ng tulong ng mga kabayang naipit sa baha.

“Hi guys! kung may mga post kayong nakikita na nangangailangan ng rescue, i-comment lang dito para ma-share. Baka sakaling makatulong tayo. Ingat tayong lahat lalo na ang ating mga disaster front-liners. #RescuePH” pahayag ni Angel.

ADVERTISEMENT

Bukod sa social media influence ng aktres, sunod-sunod rin ang pag repost ni Angel sa mga numero na maaring tawagan sa oras ng pangangailangan at sakuna.

Hinangaan si Angel sa kaniyang pagtulong kahit sa ganitong paraan.

Kamakailan lang, nagpaabot ng financial assistance si Angel sa pamamagitan rin ng social media ang “Typhoon Rolly Assistance Initiative” kung saan 1,000 beneficiaries ang natulungan ni Angel na makapag simula sa isang libong financial assistance.

Si Angel Locsin ay isa sa most followed Filipina personality sa Facebook, Twitter, at Instagram.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.